Monday , December 23 2024

Erap, buang!

00 Kalampag percyTINAWAG na buang (as in buwang o sira-ulo) ni Pang. Rodrigo R. Duterte si ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada sa mismong kaarawan niya noong nakaraang Miyerkoles.

Bago dumalo sa engrande at maluhong piging na inihanda ni buang sa Manila Hotel, sinariwa muna ni Pang. Digong ang mga paninira, pang-iinsulto at panlalait sa kanya ni Erap noong kampanya para sa 2016 presidential elections.

Matatandaang sinabi ni Erap noon na “pang-Davao” lang si Pang. Digong at hindi nababagay tumakbo o humawak ng mas mataas na puwesto sa pamahalaan.

Kesyo hanggang lokal na politika lamang si Pang. Digong na magagawang manakot doon ng kanyang mga nasasakupan, anang sentensiyadong mandarambong na si Erap.

Ininsulto rin ni Erap pati ang pagkalalaki ni Pang. Digong na pagdating daw sa kababaihan ay walang finesse o bastos, habang ipinagmalaki ang kumpare niya na si dating vice president Jejomar Binay ang nangungunang kandidato sa pagka-pangulo na una niyang minanok.

Si Erap ay “self-centered,” may masamang pag-uugali na ayaw na ayaw masasapawan at ang gusto ay laging siya lang ang bida kahit wala sa harap ng kamera.

Taglay pa rin ni Erap ang umastang siga kahit wala namang napatunayang katapangan sa tunay na buhay at ang kaya lang bugbugin ay mga pang-ilalim na goons sa pelikula tuwing malalango sa alak.

Pero nasira ang ilusyon ni Erap na ipangalandakan sa publiko at sa kanyang mga bisita na kayang-kaya niyang paikutin si Pang. Digong gaya ng ibang politiko na kapareho niyang magnanakaw at mandarambong.

Ang talaga namang pakay ni Erap sa pagdaraos ng magastos na birthday party ay sa kanya mapunta ang atensiyon ng buong bansa para ipakitang hawak niya sa ilong si Pang Digong.

Akala ni Erap hindi mahahalata na gusto niyang makisakay sa popularidad ni Pang. Digong para matakpan ang hindi na mabuburang record na siya ay sentensiyadong mandarambong.

Pinalalambot ni Erap si Pang. Digong para makagsawalang-kibo kapag inabsuwelto at tuluyang palayain ng Sandiganbvayan Fifth Division ang anak na si Jinggoy na ngayon ay nakakulong at nililitis kaugnay ng kasong pandarambong at pagbulsa sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.

Kalat na kasi sa mga kapihan ang balitang naareglo na ni Erap ang plunder case ng anak at itinitiyempo na lang umano ng Sandiganbayan ang pag-absuwelto kay Jinggoy kapag medyo lumamig na sa kumukulong galit ng publiko.

Pero malas niya dahil si Pang. Digong ay may sensibilidad at matalas ang pakiramdam na gusto siyang gamitin ni Erap na deodorizer para pabanguhin ang mabantot niyang pagkatao.

Kaya bago dumalo sa ika-80 birthday niya ay inunahan na siya ni Pang. Digong para ipaalam sa publiko na hindi siya kayang utuin ni Erap.

Bukod sa iba na dating bansag sa kanya, buang ang isa pang tawag ngayon kay Erap sa Maynila.

PUWEDENG IBALIK
NI DIGONG SI ERAP
MULI SA KULUNGAN

NAGPAHIWATIG din si Pang. Digong na maaaring ibalik si Erap sa kulungan.

Si Erap ay ginawaran lamang ng pardon ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo na anomang oras ay puwede rin itong bawiin ng ibang sumunod na pangulo.

Isa sa pwedeng magbalik kay Erap sa bilangguan para tapusin ang habambuhay na sentensiya sa kanya ang hindi pagtalima sa ibang desisyon na kasama sa hatol ng Sandiganbayan.

Hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik ni Erap ang dinambong na kuwarta ng taongbayan na ipinasasauli sa pinal na hatol ng Sandiganbayan.

Ito ay maliwanag na paglabag kapag hanggang sa Setyembre ay hindi nagsauli si Erap ng mga salapi na kanyang kinulimbat sa taongbayan.

Awtomatiko rin ang pagbawi ng pardon kapag muling gumawa ng anomang paglabag sa batas ang isang convicted criminal na gaya ni Erap.

May mga nakaamba nang kaso ng pagnanakaw at pandarambong laban kay Erap, ilan lamang dito ang maanomalyang kontrata at pagpapagiba sa Army and Navy Club, pagsasapribado ng mga pampublikong palengke, pagkakabenta sa PNB Bldg. sa Escolta at Grand Boulevard hotel sa Roxas Blvd. sa Malate.

Mga walang modo lang ang magsasabing biro ang pahiwatig na ibalik si Erap sa kulungan, lalo’t sa isang dating naging presidente.

Matatawag lang na biro ang pinakawalang babala ni Pang. Digong kung sinabi ito habang kainuman niya si Erap.

Ibig lamang sabihin, para kay Pang. Digong si Erap ay walang kuwenta at maliwanag na nagpapanggap lang si Erap na close siya kay Pang. Digong.

Bakit ni minsan ay hindi naimbitahan ni Erap si Pang. Digong noong alkalde lamang ng Davao?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *