Friday , November 15 2024

Bayarang ‘opinyon’ ng tabloid cum ‘PR’ na ‘Hunya-ngo’ Bros.

00 Kalampag percyHINDI pa pala maka-move on hanggang ngayon ang mag-utol na ‘publisher’ ng isang weekly tabloid matapos nating ibulgar ang kanilang modus, ilang taon na ang nakararaan.

Mula noon ay apektado na ang ‘raket’ ng magkapatid na ‘hunya-ngo’ kaya nahirapan na silang makasilo ng mga malolokong opisyal sa pamahalaan at mayayamang negosyante na kanilang mapeperahan.

Ipinagpapatuloy pa rin ng dalawang hindoropot ang paglalathala ng kanilang lingguhang pahayagan at umaasa na baka isang araw ay makatisod ng mga mabibiktimang politiko na patay-gutom sa publisidad.

Ang inilalathala nilang weekly tabloid ay ginagamit lamang nilang pain o bitag sa paghanap ng kliyente na magkakamaling upahan silang magkakapatid bilang ‘PR’, kung ‘di man ay makasagpang ng kontrata sa mga proyekto ng pamahalaan.

Namihasa kasi ang damuhong magkapatid sa kanilang nakagawian na isandal ang kanilang pamilya bilang mga 15-30 ghost employees sa ilang ahensiya ng pamahalaan, ilan diyan ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BOC), pati ang dating Office of the Secretary ay kanilang napasok.

Matagal rin namunini ang mag-utol na ‘hunya-ngo,’ nagsimula ang kanilang suwerte mula sa panahon ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada na tumagos kay PGMA hanggang kay PNoy.

Ang tuta ni Erap na si Diego Casino at ang magkapatid na ‘hunya-ngo’ ay lihim na magkasama sa isang PR office at matagal nilang nagamit sa kanilang ‘press relase’ business ang pahayagang Manila Bulletin noong si FVR pa ang nakaupong pangulo ng bansa.

Wala sa sirkulasyon ang kanilang ‘peryo-dikit’ na pahayagan, ‘di tulad ng pahayagang ito na nakikita at nabibili araw-araw sa mga newsstand.

Makikita ang iilang kopya ng lingguhang pahayagan na libreng ipinamumudmod sa mga kapihan at kahit ipagduldulan pa ay walang gustong magbasa.

Balita natin, 500 piraso lang na kopya ang iniimprenta ng nabanggit na pahayagan at ang iba ay sa ilang tanggapan ng pamahalaan ipinamimigay para mapansin sila ng mga opisyal sa pamahalaan.

OBESE “COLUMNIST”
NA MAHILIG SA LIBRE
15-30 SA CITY HALL

ISA sa ipinagmamalaking kulamnista ng magkapatid na ungas ang obese o matabang mama na siya rin ang makikitang namumudmod ng kanilang diyaryo sa mga kapihan.

Kadalasan, kung ilang kopya ang bitbit na diyaryo ng mamang obese ay ‘yun rin ang bilang na bitbit niya pagkagaling sa kapihan.

Karamihan sa mga lehitimong miyembro ng media na dumadalo sa kapihan ay hindi interesadong magbasa ng kanilang pahayagan kaya pagkatapos iabot sa kanila ng matabang mama ang mga dalang peryodiko ay agad din itong inilalapag at iniiwan sa mga mesa at upuan, na muli naman niyang sinasamsam.

Pumasok na ‘columnist’ cum newsboy ang matabang mama para makapagpanggap na miyembro ng media upang makakain nang libre sa mga kapihan at ibang okasyon kahit sumusuweldo naman bilang konsuhol-tant na 15-30 sa Manila City Hall.

NAKA-PAYOLA RIN
SA BRUHANG REYNA
NG ILLEGAL TERMINAL

BALITA pa natin, ang bayarang weekly tabloid na nabansagang ‘bayarang opinyon’ ay kasama na rin sa listahan ng mga tumatanggap ng payola mula sa illegal terminal ng mga pampasaherong kolorum na pinatatakbo ng isang matandang bruha sa Lawton.

Sa madaling sabi, ang walanghiyang magkapatid na ‘hunya-ngo’ pala na akala mo kung sinong publisher makaasta sa mga kapihan ay sa amin at sa mga ibinubulgar naming katiwalian lang pala umaasa para kumita.

At kung wala pala kaming ibubulgar na katiwalian ay walang kikitain ang mga animal na lingguhang diyaryo na walang nagbabasa ang puhunan.

Parang mga asong-gutom pala na pumapayola rin sa reyna ng illegal terminal na nakaabang sa aming mga ibubulgar na kanilang lalapitan para pagkakitaan.

Pati illegal terminal ay pinapatos na ng mga damuho dahil wala nang malokong kliyente ang ‘bayarang opinyon.’

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *