Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe at Bela, nag-road-trip, nagbakasyon together

SAYANG  at huli na naming nakita ang ipinadalang video ng netizen na magkasamang nag-road trip sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla sakay ng SUV na ang aktor ang nagda-drive habang kumakanta ng hindi namin tanda ang titulo, pero duda namin ay kanta ito ng Eraserheards.

Eh, ‘di sana natanong namin si Bela sa presscon ng Luck At First Sight noong Martes lang na ginanap sa Trinoma Lobby.

Hindi naman binanggit sa amin ng netizen kung kailan ito nangyari at saan papunta ang dalawa na nilagyan ng caption na ‘road trip.’

Tsinek namin ang Instagram nina Zanjoe at Bela pero hindi naman naka-post ang kagaya ng ipinadala sa amin.

Base sa video habang kumakanta si Zanjoe ay sumasayaw naman ang ulo ni Bela na may suot na RB shades at naka-baseball cap at ang saya-saya niya at panay ang kuha kay Z. Samantalang ang aktor naman ay naka-black shirt at blue baseball cap.

Ayaw naming isiping papunta sila sa taping ng My Dear Heart dahil parang hindi naman pang-taping ang suot nila, feeling nga namin ay magbabakasyon sila somewhere.

Hmm, base sa eksenang napanood namin sa video ay posibleng magkarelasyon na sina Zanjoe at Bela at ayaw lang nilang aminin dahil baka isipin ay sumasakay sila sa promo ng My Dear Heart.

Tulad nga ng laging sinasabi ni Bela, “hintayin nating matapos ang ‘My Dear Heart’ kung hindi magbabago ang tingin ko, kasi baka lang ganito ang feelings ko kasi parati kaming magkasama sa set.”

Hmm, tama rin naman.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …