Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Echo, sa San Juanico iniiyak ang pagkawala ng ama

DAPAT nitong Abril ang showing ng Luck At First Sight nina Jericho Rosales at Bela Padilla pero naurong ito sa Mayo 3 dahil hindi umabot sa playdate dahil nahinto ang shooting nila.

Sa Q and A presscon ng pelikula ay inamin ni Echo na talagang lungkot na lungkot siya noong namatay ang tatay niya at nagsu-shooting sila na kasalukuyang nasa hospital hanggang sa nalaman niyang wala na ang dad niya.

At dahil sa bigat ng pakiramdam ay hindi niya nakontrol ang sarili at nasira niya ang tent.

“Siyempre, mayroon kang feelings, ‘di ba,” katwiran ng aktor.

Pinayuhan nina Dan Villegas at producers na sina Neil Arce at Boy 2 Quizon na puntahan na ni Echo ang ama.

Kuwento ng aktor, “pinakawalan na nila ako, ni direk Dan, ni Bela, sina Boy 2, ‘go na’, I wanted to continue, sabi nila, ‘hindi na, go na.’

“So, ako blessed ako to be in this project. I will never forget this project and the people I’ve worked with dito sa project na ito. They’re all very supportive and loving.”

Mukhang naka-move on na ang aktor dahil maganda na ang aura niya noong humarap sa presscon ng Luck At First Sight.

”I think I look better. I’m a better person. I actually this did, nag-long ride kami ng mga barkada ko, we did 1,800km in 72 hours on a motorcycle.

“Pinuntahan ko ‘yung San Juanico Bridge na pinuntahan ni Papa, kinunan ko ng litrato, iniyak ko lahat doon sa tulay. Bumalik ako ng Manila, I came back a better person, a stronger person, and I understans my father even more, parang ganoon.

“So our family is better, medyo naka-move on na kami, of course, we miss Papa, my source of adventure and inspirasyon ko rin sa buhay, my source of strength.

Ang nakatutuwa roon, I became a stronger person. So,‘yun. I’m better,” kuwento ng aktor.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …