Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela, masaya para kina Neil at Angel

SPEAKING of Bela ay sa presscon lang niya nalamang magkasama noong Semana Santa sina Angel Locsin at ex-boyfriend niyang si Neil Arce sa Hongkong kasama ang ilang non-showbiz friends.

Sagot ni Bela sa amin noong tanungin namin kung may alam siya, “hindi ko nga po alam na magkasama sila, narinig ko lang po kanina rito, may nagtanong.

“Wala pa pong nag-confirm sa akin, pero kung totoo man happy naman ako para sa kanila (Angel at Neil).”

Hindi rin naman ito binanggit ni Neil, “hindi kasi ako nagtatanong, ayokong magtanong,” sabi ni Bela.

Sabi namin kay Bela na noong huli namin siyang makatsikahan ay inamin niyang lumalabas-labas si Neil, hindi lang niya alam kung sino.

“Opo, alam kong nagdi-date siya, pero ayokong sa akin manggaling kasi baka mali, eh. Well kung si Angel man ‘yun, masaya ako para sa kanya (Neil), mabait naman si Angel talaga and friends naman sila at may pinagsamahan naman sila rati pa. Kami rin ni Angel friends at saka nakakasama na namin noong kami pa ni Neil.”

Mapapanood na ang Luck At First Sight sa Mayo 3 mula sa Joyce Bernal Productions with Viva Films and N2 Productions na pagbibidahan nina Jericho Rosales, Cholo Barretto, Issa Pressman, Kim Molina, Dennis Padilla, Jeric Raval, at Bela mula sa direksiyon ni Dan Villegas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …