Friday , December 27 2024

Time Magazine pinili si Digong

NAUNGUSAN ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kinagigiliwan na si Pope Francis at maging ang sikat na Facebook founder and CEO na si Mark Zuckerburg sa Time “Most Influential” poll.

Tinalo rin niya maging ang hinahangaan at guwapong Canadian Prime Minister Justin Trudeau at ang pinakamayaman sa buong mundo na si Bill Gates.

Nanguna si Digong sa poll ng Time Magazine na 100 Most Influential People sa kabila nang matinding pagbatikos laban sa kanya ng iba’t ibang grupo sa bansa, maging ng United Nations and European Union, at iba pang international human rights bo-dies.

Isa lang ang patunay nito, talaga ngang malaki ang impluwensiya ni Digong dahil hindi siya natitinag kahit pa pagkaisahan siya ng mga makapangyarihan at maiimpluwensiyang grupo sa buong mundo.

Isang malaking sampal ito sa kanyang mga kritiko, partikular ang dilawan at Liberal Party, mga kaliwang grupo, at international groups, dahil patunay ito na hindi naniniwala ang tao sa kanilang mga sinasabi laban kay Digong.

Higit nilang nakita ang tunay na pagmamalasakit ni Digong sa mahihirap na mamamayang Filipino kaysa mga batikos laban sa kanyang mga polisiya at programa, kabilang na ang kontrobersiyal na kampanya laban sa droga.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *