Monday , December 23 2024

PNP Police Traffic Division, ‘wag maliitin!

KADALASAN ang napapansin na accomplishment ay malalaking kaso – pagkakakompiska ng kilo-kilong shabu, pagkahuli ng bigtime drug dealer/courier, pumatay ng maiimpluwensiyang tao o kontrobersiyal na kaso at iba pa at sa halip, hindi nakikita ang trabaho ng ibang sangay o yunit ng Philippine National Police (PNP) partikular ang Traffic Enforcement Unit.

Kapag traffic unit kasi ang pag-uusapan, ang alam natin na trabaho ng yunit ay taga-ayos ng trapiko at higit sa lahat kasong banggaan ng mga sasakyan (lang) ang alam ng nakararami na trabaho ng nasabing yunit.

Mali ang konsepto ng nakararami na traffic unit/sector lang iyan. Huwag pong maliitin ang traffic division dahil sa napakalaki ng tulong nito.

Paano kung walang traffic division? Kamusta kaya ang daloy ng mga sasakyan sa buong bansa? Malamang na maraming aksidenteng mangyayari sa mga lansangan.

Kaya ‘wag nila-lang-lang ang traffic division at sa halip, bigyan halaga ang napakalaking naiaambag nito sa araw-araw na pagkilos natin sa labas lalo sa mga lasangan.

Ops, baka nakalimutan din ninyo, mga pulis o pamilyang PNP din ang nagpapatakbo ng traffic division.

Bukod sa pagsasaayos ng trapiko, humahawak din ng mga kasong kriminal ang traffic police division na may kinalaman din sa aksidente lalo kapag may nasaktan o napatay.

Nagsagawa rin ng operasyon ang traffic police natin, partikular sa mga kasong hit and run na nagresulta sa pagkasugat o pagkamatay ng biktima. Ang trabaho din nila ay walang ipinagkaiba sa mga pulis na humahawak ng kasong pagpaslang. Hinahanting din nila ang mga suspek na tumatakas matapos makasagasa para arestohin at kasuhan.

Sa Quezon City, ang hepe ng Quezon City Police District – Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU) ay si P/Supt. Cipriano Galanida. Ang unit ay may limang sektor sa lungsod – ang lahat ay tumutulong hindi lamang sa pagsasaayos ng daloy ng mga sasakyan kundi sa pagtulong sa mga pedestrian na biktima ng pagkakasagasa lalo na kung hit and run.

Heto nga, nitong nakaraang linggo, Abril 3, may hawak na kasong hit and run ang Traffic Sector 4 na pinamumunuan ni P/Chief Insp. Manolo Rance Refugia, bilang sector commander.

Napatay si Paquito J. Dela Luna, bar manager, 59-anyos, at residente ng Quezon City, nang masagasaan ng pampasaherong jeep (TWT 120) sa kanto ng Quezon Avenue  at Scout Magbanua St., Bry. Paligsahan, Quezon.

Sa halip tulungan ng hindi pa nakikilalang driver ang kanyang biktima, tumakas at pinaharurot ang jeep.

Inatasan ni Refugia ang kanyang imbestigador, si PO3 Guldamir K. Ulangutan, na magsagawa ng follow-up operation para makamit ng biktima at kaanak nito ang katarungan.

Agad kumilos si Ulangutan – sinimulan ang imbestigasyon sa pinangyarihan. Sa pagtatanong, nakuha niya sa ilang saksi ang plaka ng PUJ kaya, natunton kung sino ang operator ng jeep sa pamamagitan ng mga nakalap na dokumento sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa tulong ng operator, nakilala ang driver na nakasagasa at nakapatay kay Dela Luna. Si Francis Domingo, ang driver ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Sa madaling salita, case solved ang pagkamatay si Dela Luna.

Isinulat natin ito, para ibahagi o ipaalala sa inyo ang kahalagaan ng police traffic natin, hindi lamang kasong banggaan o pagsasaayos ng trapiko ang kanilang hinahawakan. Oo, araw-araw nahaharap sa pagsubok ang mga police traffic natin. Kasama rin sa pagsubok diyan ang mga politikong nangha-harass sa kanila.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *