Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Katrina Halili
Katrina Halili

Katrina Halili, balik work out!

Katrina Halili is back to the gym to make sure that she’s in shape for her bikini-intensive role in GMA-7’s new comedy series, D’Originals.

“Balik na ulit ako sa pag-workout at pag-diet. Baka kasi gulatin ulit ako ng bikini scene. At least, ready na tayo.”

Matagal-tagal na ring hindi nagpa-sexy si Katrina Halili sa isang teleserye kaya todo-workout to make sure that she’s in shape for her demanding role in D’Originals.

Nag-panic raw talaga siya when told that she would be having scenes in a bikini in their soap.

“Nawindang lang talaga ako kasi sa ika-fourth taping day, kailangan ko na raw magsuot ng bikini,” she avers. “Sabi ko, ‘Nge! Tagal ko nang hindi naggaganyan!”

“Hindi ko na alam ang hitsura ng katawan ko ngayon!” she adds laughing. “Kaya medyo na-stress talaga ako kasi tagal na akong hindi nag-workout talaga.

“Mabuti naman nadaan sa mga daya-dayang shots muna,” she quips. “Naitawid naman namin ‘yung first bikini scene ko.

“Pero ngayon, balik na ulit ako sa pag-workout at pag-diet. Baka kasi gulatin ulit ako ng bikini scene. At least, ready na tayo.”

Happy si Katrina to be doing a comedy role for a much welcome change. Pahinga na raw muna sa mga roles na kontrabida at mataray.

“Actually, noon ko pa gusto mag-comedy,” she intimates. “Ewan ko ba kung bakit gusto nila ‘yung sobra akong taray at pumapatay na kontrabida.

“Gusto ko naman medyo light naman.

“Kaya after noong “Sa Piling Ni Nanay,” nag-request talaga ako na comedy role naman.

“Kahit kontrabida ulit ako, medyo funny naman,” she intones. “Kaya tamang-tama ang dating nitong D’Originals.

“Kahit mataray akong kabit ni Jestoni Alarcon, matatawa sila sa akin lalo sa mga eksena ko with Ms. Jaclyn Jose na gumaganap na misis ni Jestoni.

Come Holy Week, El Nido, Palawan ang destination ni Katrina with her baby. Kukumustahin daw niya ang takbo ng kanyang diving resort doon.

“Doon na kami ni Katie sa Holy Week,” she quips. “Kailangan ko rin namang makita kung ano na nangyayari sa resort.

“Okay naman ang mga bookings. Hindi nawawalan, lalo na ngayong summer season.

“’Yung kapatid ko ang namamahala roon at inire-report naman niya sa akin ang mga nangyayari.”

Going back to her baby, mahusay na raw itong umarte.

“Sabi ng mommy ko, mana raw sa akin si Katie kasi noong gano’ng edad din daw ako, kunwaring umiiyak ako kapag aalis siya.

“Tapos, tatawa raw ako.

“Kaya mukhang may balak na mag-artista itong anak ko,” she intones. “Marunong nang pumeke ng iyak at napaniwala niya ako.”

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …