Respetado pa rin daw ni Elizabeth Oropesa ang staunch Duterte critic na si Jim Paredes.
“Di ko lang nagustuhan ‘yung style ni Jim, kasi fan niya ako. Sa totoo, despite our differences, kahit na siya ay ‘di maka-Duterte, never ko siyang inisip na bastusin.”
Pinag-usapan sa social media ang video ni Oro kung saan kanyang tinuligsa ang pagtataboy ni Jim sa ilang kabataang pro-Duterte sa EDSA People Power anniversary rally last February.
Loyalist ni Duterte si Elizabeth whereas si Jim naman ay dyed in the wool supporter ng rehimeng Aquino. Sa interview kay Oro sa premiere night ng pelikulang Bubog, nagpahayag ang aktres sa kanyang saloobin laban kay Jim Paredes.
“Kanya-kanyang karapatan, kanya-kanyang posisyon ang bawat tao,” she asseverates. “Ika nga, kung ang Presidente ko man ay nagmumura, okay lang, kasi alaga niya ako.
“Kaysa naman sa president na ‘di nga nagmumura, wala namang natutulungan, wala namang nagagawa.
“Di ko lang nagustuhan ‘yung style ni Jim, kasi fan niya ako,” she adds in earnest. “Sa totoo, despite our differences, kahit na siya ay di maka-Duterte, never ko siyang inisip na bastusin.”
“No’ng ginawa niya ‘yun, nabastusan talaga ako sa style niya, kasi inaalipusta nila ‘yung Presidente ko na nagmumura daw.
“E, siya pala ‘yung bastos kaya ‘di ko natiis na ‘di magsalita.
“Napanood naman ninyo ang video ko,” she points out in earnest. “Marahan ako saka ‘di ko pa rin siya binastos.
“Sinabi ko lang na, sa tingin ko, bilang senior citizen na tulad ko, mali ‘yun. Hindi dapat.
“Yung posisyon namin sa buhay na pare-pareho kaming mga artista, na medyo mataas naman ang posisyon sa pelikula and being an artist, hindi dapat umarte nang ganun.”
They still have to meet after that incident.
“Nagkatotoo lahat ng sinabi ko, ang daming nagbanta sa kanya. Ang dami talaga,” she asseverates.
“Di ba, sabi ko, ‘Mag-iingat ka, ang daming gustong gumanti sa ‘yo.’
“Ako, wala akong balak na gumanti sa kanya,” she adds as an afterthought. “Hindi na kailangan, sapat na ‘yung mga sinabi ko.”
Elizabeth’s parting statement goes something like this: “Hindi ako naghahamon, pero huwag akong hahamunin, kasi di ako uurong!”
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.