Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayver, kinikilig kay Janine

AYAW kompirmahin ng aming source kung nililigawan ni Rayver Cruz si Janine Gutierrez dahil wala naman silang nakikita pang hakbang ang binatang aktor.

Minsan lang nagkita sina Rayver at Janine sa opening ng bagong tayong restaurant ng inang si Lotlot de Leon na South Grill sa Paranaque City na malapit din doon ang bahay ng aktor, sa BF Homes.

Kuwento ng aming source, ”madalas si Rayver sa restaurant nina Janine kasi paborito niya ‘yung pork belly at kasama niya kuya Rodjun niya.

“Tinutukso si Rayver kay Janine at ang ganda ng ngiti ni Rayver, halatang kinikilig.

“Nababaitan nga sa kanya (Rayver) si Lotlot, eh. If ever sigurong manligaw si Rayver kay Janine, welcome siya kay Lotlot kasi napaka-marespetong bata.”

Oo naman, sobrang ma-respetong tao ni Rayver at alam ng lahat ‘yan, hindi lang namin alam kung bakit hindi ito nakita ng magulang ni Sarah Geronimo noong sila pa ng aktor.

Anyway, sa ganang amin, masuwerte si Janine kung maging sila ni Rayver dahil bukod sa marespeto ay sobrang gentleman ng binata at knight in shining armor siya na anytime kailangan ng tulong ay mabilis pa sa alas kuwatrong darating ang aktor.

Speaking of Rayver ay kasama siya sa fantaseryeng Alamat na ang bida ay sina Bailey May at Ylona Garcia.

Bukod dito, kasama rin ang aktor sa Star Magic anniversary show sa Las Vegas, San Francisco at Hawaii thru TFC sa loob ng dalawang linggo kasama sina Jodi Sta. Maria, Liza Soberano, Enrique Gil, Robi Domingo, Arci Munoz, Eric Nicolas, Darren Espanto, Kim Chiu, Xian Lim, Sam Milby, at Piolo Pascual na kung hindi magbabago ay sa Abril 11, Martes na ang alis nila.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …