Saturday , November 23 2024

Mag-asawang terorista tiklo

ARESTADO ang mag-asawang pinaghihinalaang miyembro ng damuhong teroristang grupo ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa operasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa Bonifacio Global City, Taguig.

Nagsanib-puwersa ang mga elemento ng Bureau of Immigration, pulis at military kaya natiklo sa harap ng isang mall sa Taguig sina Hussein Aldhafiri alyas “Abu Muslim,” 40 anyos; at Rahaf Zina Aldhafiri, edad 27, tatlong buwang buntis. Naninirahan ang mag-asawa sa isang marangyang apartment sa 20th Street, Bonifacio Global City.

Ayon sa mga awtoridad, si Rahaf ay dating asawa ng number 2 man ng ISIS sa Syria na napatay sa laban. Nang mabiyuda si Rahaf ay sila ang naging mag-asawa.

Si Hussein naman ay ilang ulit na umanong nagpabalik-balik sa ating bansa noong 2016.

Ang pinakahuli raw nitong pagdating sa bansa ay kasama ang asawa noong 28 Enero 2017 at hindi na umalis pa. Tunay na pangalan pa nga raw ang ginamit ng dalawa sa kanilang tourist visa.

Sinisiyasat pa ang work visa na nakuha ni Hussein at pati na ang kompanya na tumulong para magkaroon siya nito.

Nakatanggap ang National Bureau of Investigation (NBI) ng impormasyon mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika at gobyerno ng Kuwait kaugnay ng dalawang suspek. Si Hussein ay nasangkot daw sa mga pambobomba at kilala sa paggawa ng bomba.

Natunton ng mga opisyal ng Immigration ang mag-asawa sa tulong na rin ng FBI.

Batay sa report mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), si Hussein na isang Kuwaiti ay may kaugnayan sa terorismo at pinaniniwalaang magsisilbing banta sa national security ng bansa.

Nagpahayag si Immigration Commissioner Jaime Morente na ang dayuhang mag-asawa ay nasa bansa dahil may pinaplano silang bombahin. Hindi lang tiyak kung ang target nila ay sa Filipinas o sa Kuwait.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, walang maisasampang kaso laban sa mag-asawa sa kasalukuyan maliban sa paglabag sa immigration law.

Wala kasi silang naipakitang mahahalagang dokumento sa pananatili nila sa bansa nang mahuli. Wala rin illegal paraphernalia na nakita na mag-uugnay sa kanila sa mga terorista.

Inaalam kung si Hussein ay nakipag-ugnayan sa mga terorista sa bansa dahil may impormasyon na nagpunta raw sa Davao at Cebu noong Enero.

Matapos sumailalim sa proseso ng deportation sa immigration ay maaaring mai-deport si Hussein patungong Kuwait, mga mare at pare ko, samantalang si Rahaf ay sa Syria naman, na kanyang pinagmulan ipatatapon.

Palakpakan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *