Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bala ‘iniregalo’ sa bulacan beauty queen ng 2 armado (Kasabay ng bulaklak at chocolate)

040817_FRONT
PATAY ang isang dating beauty queen, makaraan barilin sa ulo ng dalawang hindi nakilalang lalaking nag-deliver ng bouquet ng bulaklak at chocolate sa kanilang bahay sa Plaridel, Bulacan, kamakalawa.

Kinilala ni Plaridel Police chief, Supt. Julio Lizardo, ang biktimang si Mary Christine Balagtas, 23, Lakambini ng Bulacan noong 2009.

Ayon sa ulat, makaraan tanggapin ng biktima ang mga bulaklak at chocolate mula sa dalawang lalaki dakong 9:00 am sa kanilang bahay sa 1st La Mirada Subd., sa Brgy. Banga sa Plaridel, bigla siyang binaril sa ulo.

Isinugod ang biktima sa Our Lady of Mercy Hospital sa Pulilan ngunit idineklarang dead on arrival ng mga manggagamot.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo ngunit sinasabing may lead na ang pulisya na posibleng makatulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

ni MICKA BAUTISTA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …