Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Si Cacdac ang sibakin ni Digong

MUKHANG tuloy-tuloy na ang nangyayaring “purging” sa hanay ng matataas na opisyal ng  administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte matapos na sibakin si DILG Sec. Ismael  Sueno dahil sa kaso ng katiwalian.

Ang paglilinis na nangyayari ay bahagi ng programa ni Digong para maalis sa kanyang pa-mahalaan ang mga opisyal na sangkot sa corruption at iba pang uri ng katiwalian.  Sa mga susunood na linggo, apat pang opisyal ang nakatakdang sibakin ni Digong.

Napakabilis ng pangyayari dahil matapos sibakin ni Digong si Sueno, sinundan kaagad ito ng pagsibak kay Usec. Maia Chiara Halmen Valdez sa ilalim ng tanggapan ng Cabinet Secretary.  Matatandaang naunang sinipa sa kanilang puwesto sina Al Argosino at Michael Robles ng Bureau of Immigration na pawang fraternity brothers ni Digong.

At sino rin ang  makalilimot sa ginawang pagsibak ni Digong sa kanyang matalik na kaibigang si Peter Lavina?  Hindi nangiming sibakin ni Digong si Lavina bilang administrator ng NIA nang mabalitaan niyang naghihingi ng pera sa mga contractor.

Kaya nga, medyo ingat na ingat na ngayon ang mga cabinet secretary at matataas na opis-yal ng administrayon ni Digong dahil baka sa susunod sila naman ang biglang sibakin sa puwesto  dahil sa kasong katiwalian.

Sa ngayon, mainit ang mata ni Digong sa mga tanggapan ng DOLE, BoC, SBMA, NHA, NFA, MMDA, POEA at OWWA dahil sa napapabalitang hindi maayos na pamamalakad at batbat din ng katiwalian.

Payo natin kay Digong, unahin na niyang sibakin sa puwesto si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.  Maituturing na walang silbi si Cacdac dahil hanggang ngayon, patuloy ang mga problema ng OFW lalo na ang pagmamaltrato sa kanila sa Middle East.

Ano ang ginagawa ng OWWA sa ilang OFW na nakatakdang bitayin dahil sa mga kasong kinakaharap nila?  Nasaan ang tulong na legal at pinansiyal ng mga minalatrato at ginahasang OFWs?  Maraming katanungan pero laging walang sagot ang OWWA.

Kung hindi kayang sibakin ni Digong si Cacdac, mas mabuti pa sigurong lusawin na lamang ang mismong tanggapan ng OWWA at bumuo ng panibagong opisina na siyang tunay na tutulong sa mga OFW.

Isama na rin ni Digong na sibakin sa puwesto ang mga namumuno sa DOLE, BoC, SBMA, NHA, NFA, MMDA, at POEA dahil wala rin naman silang nagagawang kabutihan para sa taongbayan.

Hindi na dapat magdalawang isip pa si Digong.  Kung gusto niyang tuluyang maging malinis at maayos ang kanyang gobyerno, madaliin niya ang gagawing ‘pagpurga’ sa mga namumuno ng tanggapang punong-puno ng katiwalian.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *