Friday , November 15 2024

Ombudsman Conchita Morales ma-disbar kaya?

Dragon LadyKAMAKAILAN ay ipinagharap ng kasong Disbarment ni dating Manila Councilor Greco Belgica si Ombudsman Conchita Morales sa Korte Suprema. Nilabag umano ni Morales ang lawyers oath at professional responsibility, nang absuweltohin si dating Pangulong Benigno Aquino sa mga reklamo hinggil sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Dahil sa ginawang pag-absuwelto ni Ombudsman Morales kay Aquino, na kapwa respondent si dating budget secretary Butch Abad, ay naalisan ng karapatan ang sambayanang Filipino sa wastong due process.

***

Inakusahan din ni Belgica si Morales ng paglabag sa Rule 601 (Canon of Professional Responsibility) nang mabago ang naging desisyon. Nasakripisyo ang katarungan sa pag-absuwelto kay dating Pangulong Aquino, kaya hiniling niya sa Korte Suprema na tanggalan ng lisensiya bilang abogado si Morales.

Ayon kay Belgica, hindi umano pinanaig ni Morales ang integridad at dignidad ng legal profession. Magugunitang unang sinabi ng Korte Suprema na ilegal ang DAP kaya umaasa si Belgica na bibigyan pansin ang kanyang complaint laban kay Morales alinsunod sa naunang pahayag ng Korte Suprema na ilegal ang DAP.

***

Ang malaking katanungan ay ma-disbar kaya si Ombudsman Morales? May mapala naman kaya si Belgica sa paghahain niya ng complaint? Isa itong malaking katanungan na mahirap sagutin sa ngayon habang hindi pa nadedesisyonan ng Korte Suprema. Pansinin naman kaya ng Korte Suprema? Isa itong hamon kay Belgica na tila pader ang binabangga!

ILANG BRGY CAPTAINS
ILLEGAL TERMINAL PROTECTOR

Nanganganib ang political career ng mga barangay captain na umano’y protektor ng mga illegal terminal, dahil ayon sa ating source sa Malacañang, hindi lamang mga nagkakanlong sa drug pushers at suppliers na mga Kapitan ng Barangay ang target ni Pangulong Rodrigo Duterte. Target din niya maging ang mga kapitan ng barangay na kumikita nang limpak-limpak na salapi sa mga illegal terminal.

***

Nag-ugat ito nang magdesisyon ang administrasyong Duterte na bubuksan ang lahat ng service roads sa kalakhang Maynila upang magamit na permanenteng daanan ng mga behikulo. Kung hindi naman nakasasagabal sa kalsada, dapat lang maging legal upang makadagdag sa kaban ng bayan at hindi sa bulsa ng mga kapitan! Sino-sino kaya sila?

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *