Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cesar, ‘di iiwan ang DOT

ALMOST three months pa lang si Cesar Montano bilang COO ng Tourism Promotions Board, pero iniintriga na siya. May nagpadala ng letter of complaint sa Presidential Action Center noong March 1, 2017 laban kay Cesar. Walang pangalan sa letter of complaint kung sino ang nagrereklamo. Nakapaloob doon ang 24 wrongful acts na umano’y ginawa ni Cesar bilang bagong COO ng TPB.  Isa na rito ang isyung nepotism. Kinuha kasi ni Cesar ang ilang mga kamag-anak para mapasok sa TPB to think na may mga empleado nang nakatalaga para sa kanya.

Sabi ni Cesar tungkol sa reklamo sa kanya, “Actually, sinagot ko na ‘yan kay Presidente. Punto por punto sinagot ko ‘yung 24 wrongful acts na sinasabi nila (complainant).

“’Yung sinasabi nilang nepotism, naku, nag-iisa lang ‘yung kapatid ko rito (TPB), si Rommel.

“At bago ko pinasok ‘yung kapatid ko, nagtanong muna ako, marami kasi akong kaibigang mga abogado. Sabi sa akin, ‘You’re allowed’.

“Actually, allowed ako na hanggang tatlo ang puwede kong ipasok. Pero isa lang ‘yung kapatid ko,” paliwanag pa ni Cesar.

Naapektuhan ba siya sa mga isyu sa kanya? Magiging dahilan ba ito para i-give up niya na ang trabaho bilang COO ng TPB?

Sagot ni Cesar, “Hindi ka dapat maapektuhan. Kung magpapaapekto ka, wala, ‘yun nga maggi-give up ka talaga. Pero hindi! ‘Pag nag-give up ka, nag-quit ka, ibig sabihin, tama sila. No!

“Actually, hindi sila ang boss ko rito. In-appoint ako ng presidente rito para ayusin ang opisinang ito. And that’s what I’m going to do.”

Gusto ni Cesar na harapin at sagutin ‘yung mga nagrereklamo sa kanya, pero hindi naman nagpapakita ang mga ito.

“Sabi nga ni Presidente, kung totoo ‘yan, magdemanda sila.

“Sa ngayon po paano namin sila sasagutin eh, unang-una naman po hindi totoo ‘yan at hindi ko alam kung sinong gumawa niyan.

“Ano ba itong nangyayari dito sa atin, kahit sino na lang puwede nating sirain. Kasi ang dali pala talagang manira ng tao ngayon.

“Halimbawa may kompanya ka, sirain ko lang ‘yan.  Eto ginagawa niyan, mga ano ‘yan..magnanakaw ‘yan, mayroong hindi binayaran ‘yan.

“Pero anonymous naman ‘yung nagrereklamo, hindi sila nagpapakilala. Gaya niyong mga alegasyon sa akin, hindi ko kilala kung sinong gumawa ng letter of complaint. Nagtatago sila sa dilim. Ako  nasa liwanag, sila, nasa dilim, so paano kaming magkikita? Magpakilala sila. Come forward, para makabalik din kami sa inyo.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …