Monday , December 23 2024
Kadamay

4,000 bahay sa Bulacan target ng Kadamay

BUKOD sa mga bahay sa Pandi, nais din ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na okupahan ang  4,000 hindi pa tinitirhang resettlement houses sa iba’t ibang pa-nig ng Bulacan.

Ayon kay Gloria Arellano, chairperson ng grupo, kanilang hinihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte, na kung maaari ay payagan silang tirahan ang housing projects na hindi pa rin napakiki-nabangan sa naturang lalawigan.

Sa pagtaya ng grupo, may 3,000 bahay sa ba-yan ng Bocaue, at 877 sa bayan ng Bustos, Bulacan ang wala pang nakatira.

Ang mga naturang bahay ay nakalaan para sa mga pulis, sundalo at bombero.

Sa ngayon, binabantayan ng mga lokal na opisyal at mga pulis ang Bocaue Heights at Bustos Heights housing projects, sa pangambang pasukin din ng mga miyembro ng Kadamay.

Matatandaan, nitong Martes, sinabi ni Pangulong Duterte sa mga sundalo, ipaubaya na sa Kadamay members ang mga ino-kupahang bahay kapalit nang mas magagandang tahanan na itatayo para sa kanila sa Disyembre.

Dahil dito, nais ng grupo na personal na makausap si Pangulong Duterte upang malinawan ang nilalaman ng direktiba, na hindi na paalisin ang 5,000 residenteng umokupa sa mga housing project sa Pandi.

Dahil aniya sa direktibang ito ng Pangulo, umaasa silang ang lahat ng housing projects na nakalaan para sa mga sundalo at pulis ay tulu-yan nang ipamamahagi sa mahihirap.

Sa kasalukuyan aniya, nasa 12,000 kasapi ng Kadamay sa Bulacan ang wala pa ring sa-riling tahanan.

(MICKA BAUTISTA)

Kapag nag-agaw-bahay pa
KADAMAY TATAPATAN
NG BAZOOKA, M-60

ANARKIYA na ang ginagawa ng Kadamay.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa Western Command ng AFP sa Palawan, kahapon.

Aniya, limang M60 at bazooka ang ipatitikim niya sa Kadamay saka-ling lusubin muli ang panibagong pabahay na ipa-tatayo sa mga pulis at sundalo.

Ayon sa Pangulo, dahil sa pagiging mahirap, pinagpasensiyahan na niya ang Kadamay nang agawin ang pabahay sa Pandi, Bulacan, para sana sa mga pulis at sundalo.

Babala ng Pangulo sa Kadamay, huwag nang u-litin ang pang-aagaw ng pabahay dahil oras na lumusob ulit ang militanteng grupo, hindi siya mag-aatubili na gumamit ng puwersa at paputukan sila.

Nakasusuya na aniya ang nabanggit na grupo kaya’t  huwag  magkamaling gumawa ng panibagong  pananakop.

”Next time I will build houses for police and the soldiers, pabantayan ko na ng limang M60  pati bazooka  sa unang entrada pa lang,  bitawan mo na putang inang ‘yan, nagpapasensiya lang ako, mahirap lang din yan,” pahayag ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *