NAKAHANDA na ang operators ng North Luzon Expressway (NLEx) sa inaasahang exodus ng mga taong tutungo sa mga probinsiya para gunitain ang Semana Santa.
Ayon sa NLEx, magde-deploy sila ng 800 tellers, 500 patrol personnel, at 68 sasakyan mula sa 7-17 Abril.
Inaaasahang papalo sa 300,000 ang bilang ng mga sasakyang daraan sa NLEx bawat araw sa Holy Week.
Habang ayon kay NLEx Corp. president Rod Franco, pansamantala nilang bubuksan ang expanded na tatlong lanes nila mula sa Brgy. Sta. Rita sa Guiguinto, Bulacan hanggang San Fernando City sa Pampanga.
Maglalagay ng motorist camps sa mga gasolinahan na mag-aalok ng libreng tawag, WiFi acces, bottled water, at towing services sa mga biyahero.
Maglalagay rin sila ng karagdagang traffic signs, emergency medical services, at 24-hour mechanic service sa nasabing gas stations. (MICKA BAUTISTA)