Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Makabayan bloc mga utak lumpen

ROW 4 na, nasa tabi pa ng basurahan.

Ganito kabobong maisasalarawan ang Ma-kabayan bloc sa Kamara matapos hilingin ng mga miyembro nito na huwag ituloy ang eviction o pagpapalayas sa grupong  Kadamay na sapilitang inokupahan ang 4,000 housing units sa Pandi, Bulacan.

Lilinawin natin, hindi po pag-aari ng grupong Kadamay ang mga housing units na kanilang ino-kupa, at nakalaan na iyon sa mga pamilya na nauna nang dumaan sa tamang proseso para magkaroon sila ng bahay sa nasabing lugar.

Ang ibig sabihin, puwersahang kinuha ng Kadamay ang housing units na hindi naman talaga para sa kanila.  Kung titingnan mabuti isang uri ito ng pagnanakaw — nangulimbat ka ng bahay na hindi mo naman pag-aari o pinaghirapan, lantarang pagnanakaw iyon.

At pansinin kung paano mangatuwiran si Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao nang sabihin niya: “Panawagan namin kay Pangulong Duterte na hindi po ito simpleng legal na kuwesti-yon. Hindi dapat tayo matali sa usapin kung makatarungan o legal ba ang pag-okupa nila.  Intindihin natin na bahagi ng buong panlipunang krisis ang dapat tingnan.”

E, may sira pala sa ulo itong si Casilao!

Malinaw na legal ang usapin dito dahil hindi nga pag-aari ng Kadamay ang mga housing units na kanilang kinulimbat!  Bakit hindi pa sinabi ni Casilao na ang dahilan ay imperialismo, burukrata, kapitalismo, at pyudalismo para maniwala ako sa kanya.

Naturingang mambabatas si Casilao pero pilit na binabaluktot ang isang malinaw na argumento sa ginawang sapiltiang pag-okupa ng Kada-may sa kabahayan na hindi nila pag-aari.

Isa pa si ACT-Teachers party-list Rep. Antonio Tinio.  Sabihin ba namang rasonable ang ginawa ng mga miyembro ng Kadamay dahil government project daw ang mga housing units, at  para sa mahihirap naman talaga ang proyekto. E, ang problema nga hindi naman nakalaan sa Kadamay ang sinasabing housing units.

Tigas ng ulo mo, ah!

Ganoon din mangatuwiran si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, wala sa lugar at walang ipinagkaiba sa mga dogmatikong kaliwang mambabatas kung magpaliwanag. Sabi ni Brosas, kailangang maging makatao raw ang pagtingin sa mga maralitang taga-lungsod gaya ng mga miyembro ng Kadamay.  Kung sakaling matuloy daw ang eviction, mauulit na naman ang kasaysayan na ang mahihirap na naman ang mapapatalsik.

Diyos ko, gumamit pa itong  si Brosas ng salitang kasaysayan, kahit hindi naman angkop na gamitin. Ang simple lang ng pinag-uusapan, inokupa nila ang mga bahay sa Bulacan kahit hindi naman sa kanila.  Hindi pa ba malinaw ‘yon?!

Ogag lang talaga itong sina Casilao, Tinio at Brosas.  Naturingang mga mambabatas pero mukhang saliwa ang mga utak kung mangatuwiran. Wala sa ayos at parang nasa kalye at nag-ra-rally, at nakikipag-negotiate sa mga pulis.

Hoy, para kayong mga lumpen!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *