KAYA raw nagkakawindang-windang pa rin ang Bureau of Immigration (BI) dahil hanggang ngayon naroon pa rin ang mga tirador ni Mison at mga bata ni Sen. Leila De Lima sa office ni Commissioner Jaime Morente na walang ginawa kundi ang mag-isip at gumawa ng pagkakaperahan?
Desidido na Justice Sec. Vitaliano Aguirre na top to bottom revamp sa BI.
Ang mga naka-assign sa Maynila ay dadalhin sa probinsiya lalo na ang mga sumama noon sa Club Filipino noong kampanya na nangalap ng pondo para kay Sec. Leila De Lima.
Kasama rin daw sa miting na ‘yun si Former BI Comm. Fred Mison!
Ito ang dapat tutukan ni SOJ Aguirre sa BI, ang mga dilawan na sumasabotahe sa ahensiya!
***
Sa Bureau of Customs Port of Manila assessment division, may nakapuwesto na naman na maraming kaso sa Ombudsman pati talamak na sugarol sa sabong at casino ay nakabalik raw sa pwesto dahil sa padrinong isang mambabatas na galing sa Customs na super corrupt rin noong nanunungkulan pa siya sa customs!?
Ang info, may tara umano ang mambabatas sa bawat bata niya na mailalagay niya sa isang juicy position sa Customs?
Paano kapag lima katao ang naipuwesto niya na principal appraiser sa assessment division?
Mahina kaya ang kalahating milyon isang linggo?
***
Sana maipatupad na ‘yung sinabi ni Pangulong Duterte na tatanggalin na ang sandamakmak na bodyguard sa mga politiko at private citizen.
Tama lang ang sabi ni Pangulong Duterte, bakit ka matatakot kung wala ka namanh inagrabyado ‘di ba?
Marami kasing abusadong tao, may taga-payong at taga-bukas pa ng CR diyan na karamihan ay mga gov’t officials at politician.
Sa mga casino, santambak ang bodyguard ng mga Chinese at Korean casino players na ang nagpapasuweldo ay taongbayan!
PAREHAS – Jimmy Salgado