Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

QC taxpayers na ‘gatasan’ ng BFP-FSIs, lalapit kay Bistek

LAGOT kayong mga mangongotong na fire safety inspector ng Quezon City Bureau of Fire and Protection (BFP), mabubuko na kung sino-sino kayong mga nagpayaman sa loob ng maraming taon mula sa panggigipit sa mga taxpayer ng lungsod.

Bakit? Nagpasiyang lalapit at magsusumbong kay Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista, ang isang grupo ng taxpayers ng lungsod na nagmamay-ari ng ilang establisiyemento sa Kyusi.

Ayon sa grupo, hindi lamang tuwing renewal ng fire safety certificate (FSC) o kapag first quarter ng taon sila ginagatasan kundi all year round. Iniikot nila ang birthday ng kanilang asawa, anak, biyenan, kabit, kapitbahay, aso, pusa, at iba pa.

Aba, tiba-tiba nga naman ang ilan sa mga FSI ng QC-BFP kung… oo, kung sakaling totoo ang info o akusasyon laban sa kanila. Bakit, marami na bang FSI sa QC-BFP ang hindi maipaliwanag ang kanilang mga asset? Hindi naman siguro, batid ko nga na karamihan sa kanila ay mayaman sa utang. Pawang loan at pangungutang sa “5-6” ang gawin nila dahil kapos ang kanilang buwanang suweldo para pangtustos sa kanilang pami-pamilya. Ganoon ba?

Nakalulungkot naman… kaya hayun ang ilan sa kanila ay ginagatasan ang mga taxpayer ng Quezon City. Hindi naman! Mga kaibigan lang naman daw nila ang mga nagmamay-ari ng mga establisiyemento sa lungsod kaya sila’y nakapaglalambing sa buong taon. BFF pala e. Lambing ba iyong may kasamang ‘pananakot’ ‘este ang pahirapang makakuha ng FSC.

Akalain ninyo, sa FSC na lamang, kumikita na ang isang FSI nang hanggang P3,000 to P5,000 – sa mga simpleng establisiyemento lang ito. Pero kapag gusa-gusali ang pag-uusapan, ‘singlaki rin daw ng gusali ang kitaan.

Ayon sa grupo ng taxpayer, kahit wala silang violation ay ibinibitin ang kanilang fire safety certificate. Kailangan daw ng pambili ng ballpen para mapirmahan agad ang certificate.  Kaya naman pala maraming FSI na paldo at may magagarang brandnew car/SUV. Iba ang kita sa FSC at iba naman ang kita habang isinasagawa ang inspeksiyon.

Naku ha, alam kaya ni QC Fire Marshall Supt. Manuel M. Manuel ang kalokohan ng ilan sa kanyang mga inspector? Kung hindi pa, aba’y fire marshal Manuel, tila mahina yata ang intel network mo. Ang masaklap niyan ay baka nagagamit na ang pangalan mo sa kotongan blues ng ilan mong FSI.

Pero ano sa tingin niNyo, hindi kaya nakikinabang si FM Manuel sa kalokohan ng ilan niyang inspectors? Ano sa tingin niNyo? Ops Ginoong Manuel, nagtatanong lang po ako ha at hindi nag-aakusa.

Ngunit sa tingin ko, matino at malinis naman na opisyal si FM Manuel kaya, malamang hindi siya nakikinabang sa kitaan ng kanyang mga inspector. Si FM Manuel malinis?

Oo malinis magtrabaho. Walang puwang sa kanyang kaharian ang katiwalian. Sana nga!

Pero  hindi  mo ba talaga nababalitaan FM Manuel kung sino-sino sa mga inspector mo ang pinapala na lamang ang kanilang kayamanan?

Gusto mo bang malaman kung sino-sino ang ilan sa mga inspector mo, na ayaw magpaawat sa panggagatas sa mga taxpayer ng QC?

Heto ang clue natin FM Manuel para sa ilan: Ang isa’y alyas “Bokal” habang ang isa naman ay alyas “Missing Link” (sa human evolution… base agham). Iyong isa pa ay best friend naman ng isang classic cartoon character.

O, ano FM Manuel, ayos ba? Kilos!

Mayor Bistek, wait daw po kayo at magsusumbong na sa inyo ang matitinong taxpayers ng QC. Kailangan daw mawakasan na ang panggagatas sa kanila.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …