Saturday , November 16 2024

Kadamay sa Pabahay palalayasin

PALALAYASIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Kadamay, na umokupa sa mga pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan.

Ayon sa pangulo, maglalabas siya ng eviction order para paalisin ang mga miyembro ng grupo, na wala namang hawak na kaukulang dokumento para sa nasa-bing pabahay.

Aniya, hindi niya palalagpasin ang marahas na pag-ukopa ng grupong Kadamay, na lumikha ng kaguluhan sa mga tahimik na mamamayan sa naturang bayan.

Sinabi ni Pangulong Duterte, anarkiya ang ginawa ng Kadamay dahil imbes na makipag-diyalogo sa mga kinauukulan ay biglang sumugod, at pilit na pinaalis ang mga pamilyang naninirahan sa lugar.

Dagdag ng pangulo, hindi siya papayag na ang gobyerno ay gagawing inutil ng Kadamay, na patuloy na umookopa sa mga pabahay sa Pandi.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *