HINDI dapat ipagpatuloy ni Barangay San Jose, Novaliches Quezon City, Arnel Divera ang kanyang posisyon bilang konsehal ng barangay.
Kahit ang taongbayan ng nasabing lugar ang nagluklok sa kanya, dahil hindi dapat manatili ang isang Karnaper at bumibili ng spare parts ng mga carnap na motorsiklo.
****
Matapos salakayin kamakailan ng mga tauhan ng Task Force Limbas ng QCPD-PNP ang shop na pag-aari ng konsehal, narekober ang sankaterbang pekeng plaka, mga ‘di tugmang mga rehistro at mga chop-chop na mga nakaw na motorsiklo.
***
Nakahihiya na ang isang halal na konsehal ng barangay ay ginagamit ang kanyang posisyon para makapagnegosyo nang ilegal. Dapat sa konsehal na ‘yan ay tsupi!!!
***
Teka… ipinagyayabang ni Divera na ‘bata’ umano siya ni Rodriguez Rizal Vice Mayor Tomtom Hernadez, yabang mo! O baka naman si vice mayor ang kasosyo ng mayabang na si Divera?
Aba, dapat siguro imbestigahan si vice mayor. Kung bata niya si Divera, posibleng may kinalaman si vice mayor sa kanyang ilegal na negosyo o baka kasosyo! Hindi naman kaya financer?
KAYANIN KAYA NI MANALO
ANG DFA SECRETARY?
Kung ang dahilan nang hindi pag-apruba ng CA kay Perfecto Yasay ay dahil sa citizenship niya bilang kalihim ng DFA, umubra kaya si Enrique Manalo bilang kahalili ni Yasay?
Bagama’t pansamantalang hahalili si Manalo, dahil naghahanap si Pangulong Rodrigo Duterte nang ipapalit kay Yasay, makaya kaya ni Manalo ang pagiging OIC sa DFA?
***
Sa buwan ng Abril ay gaganapin ang ASEAN Summit na maraming delegado mula sa iba’t ibang bansa ang darating, kaya mahalaga ang papalit na Kalihim ng DFA ay may sapat na kaalaman sa ASEAN, at matulungan si Pangulong Duterte bilang Chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Hindi lamang sa Asya, maging sa Middle East at Europa, dahil nakatakdang bumisita dito ang Pangulo.
***
Kung si Manalo ang magiging permanenteng Kalihim ng DFA, naniniwala si Yasay na kaya ito ni Manalo, dahil malaki umano ang kanyang tiwala sa kakayahan ni Manalo…
Harinawa!
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata