Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa pag-atras ni Nora sa It’s Showtime, ‘Di kaya ng puso ko ang pambabastos ni Vice Ganda

KAYA pala hindi natuloy si Nora Aunor bilang isa sa Hurado sa ginanap na Tawag Ng Tanghalan Grand Champion noong Sabado ay dahil ayaw niya kay Vice Ganda na main host ng programa.

Ito ang idinahilan ng Superstar kay katotong Mercy Lejarde sa panayam sa kanya na lumabas sa PEP.

Kuwento ni Nora, ”hindi ako feel ng main host nila na si Vice Ganda.

Baka bastusin lang ako niyon, tulad ng pambabastos niya sa akin sa show niya.

“’Yung mga patutsada niya, parinig niya na alam ko ako ang tinutukoy niya dahil minsan ako mismo ang nakarinig, eh.”

At kaya pumayag si Ate Guy na sa Eat Bulaga siya guest ay dahil malaki ang utang na loob niya kay Senator Tito Sotto dahil sa tulong nito noong nagkasakit ang kapatid ng aktres na si Buboy Villamayor.

Nabago ulit ang pahayag ni Nora nang mabasa niya sa mga pahayagan na naka-announce na siya sa It’s Showtime bilang special guest kaya sisipot na siya at magpapaliwanag na lang kay Tito Sen.

Pagkalipas ng 10 minuto ay tuluyan nang umatras si Nora sa TNT finals base sa mensahe niya kay katotong Mercy.

”Nag-back out ako dahil hindi ko kaya si Vice Ganda. Hindi kaya ng puso ko ang pambabastos na ginawa sa akin ni Vice Ganda.”

Sa tanong kung anong pambabastos ang ginawa ni Praybeyt Benjamin kay Nora.

“’Yung usual na ginagawa niya na magsasalita siya pero may pinatatamaan.

“Sorry, pakisabi na lang kay Mr. Railey (business unit head ng programang Showtime), humihingi ako ng tawad sa naging desisyon ko.

“Gusto ko mang mag-guest pero hindi ko kaya ang ginawang pambabastos sa akin noon ng main host ng show.

“Lahat ng imbitasyon sa akin ng ABS-CBN para mag-guest, wala akong naging problema. Rito lang talaga sa ‘It’s Showtime’ dahil sa main host ng show.

“Para lang mapatawa niya ang tao, kahit mambastos na siya ng kapwa niya, ginagawa niya,” pangangatwiran ni Nora.

Bago naman nagsimula ang It’s Showtime noong Sabado ay tinext namin si Vice para hingan ng komento pero hindi na kami sinagot pa.

Nakalulungkot na dahil kay Vice ay nagdesisyon kaagad si Ate Guy, puwede naman niyang isinantabi ito at isinaalang-alang ang nakararami. At sa tingin ba niya ay makahihirit si GGV host sa kanya, eh, tutok sila sa TNT Grand finals?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …