Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion

Gabby, nairita sa pagkalat na humihingi siya ng malaking TF

AS of this writing ay hoping pa rin si Direk Cathy Garcia-Molina na matutuloy ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion maski na may mga balitang hindi na ito matutuloy dahil nagalit ang aktor na lumabas sa publiko na nanghihingi siya ng P10-M talent fee para sa pelikula.

Ayon kay direk Cathy ay wala siyang alam tungkol dito dahil as of now ay binubuo pa rin niya ang concept ng pelikula nina Sharon at Gabby at hindi naman ipinaho-hold ng management.

Sabi namin ay baka hinihilot pa ang aktor na ituloy ang pelikula nila ni Shawie dahil umaasa ang die-hard supporters nila sa pagbabalik-tambalan nila.

Pero sa dinaluhan naming showbiz gatherings ay irita na talaga si Gabby sa production kung bakit lumabas ang tungkol sa talent fee.

Kuwento ng kasamahan sa panulat, ”nagtaka si Gabby paano lumabas ang tungkol sa talent fee, eh, sa production lang naman niya iyon sinabi kaya hayun, ang lolo mo, nagalit na kaya malabo ng matuloy ang movie nila ni Sharon. Kaya ang lola Sharon mo, tumanggap na ng indie film for Cinemalaya.”

Sabi pa ng isa pang katoto, ”siyempre pagkakataon na ni Gabby na mag-quote ng mataas na talent fee kasi alam din naman niyang magagamit din sila ni Sharon sa isyu at saka walang masyadong pinagkakakitaan lolo mo ngayon.”

Anyway, hindi ba masyadong mataas nga naman ang P10-M Ateng Maricris?  Ka-level na ba niya sina Vice Ganda, Piolo Pascual, at John Lloyd Cruz na nag-akyat ng malaking pera sa Star Cinema?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …