Monday , December 23 2024

Kauna-unahang TNT Grand Winner, malalaman na

SPEAKING of TNT finalists ay may kanya-kanya silang plano kung sakaling sila ang mag-uwi ng P2-M cash at bahay at lupa bilang premyo sa tatanghaling Tawag ng Tanghalan Grand Winner.

Ayon kay Carlmalone Montecido na isang bulag ay planong itabi ang perang mapapanalunan para sa pag-aaral at magtatayo ng business at magbibigay din sa simbahan.

Malaking threat naman sa lahat ang bikolanong si Froilan Canlas na tubong Bato, Camarines Sur na nagsabing itutulong niya ang pera sa mga tinuturuang mga bata sa pagtugtog ng musical instruments sa bayan nila. Marami rin siyang hinahasang kabataan sa volleyball.

“Mas malaki po ‘yung chance ko para makatulong kasi magkakaroon ako ng influence, bigger connection. Hindi ko po kalilimutang tumulong sa amin,” say ni Froilan.

Ang magsasakang si Noven Belleza ay, “simpleng magsasaka lang po ako na nangarap, hindi ko lang po mabibigyan ng magandang buhay ang pito kong mga kapatid, mabibigyan ko sila ng edukasyon kasi pag-aaralin ko sila kung sakaling manalo po ako.

“Sa bahay po, wala po kaming sariling bahay kaya titirhan po namin, at para makatulong naman po sa kapatid ko sa business niya,” sambit naman ni Rachel Gabreza.

Si Sam Mangubat naman ay, ”if ever manalo po ako, ‘yung Church po namin gusto kong magpagawa ng isang malaking building at itulong po sa family kasi ngayon lang po ako nakababawi sa kanila at maraming utang na kailangang bayaran.”

“Bago po ako sumali sa TNT, naging OFW po ako and napakahirap pong magtrabaho roon mag-isa lalo na kapag may pinagdaranan ka tapos wala kang ibang kasama kundi sarili mo lang. Gusto ko po sana, mabigyan ang magulang ko ng business para hindi na ako mag-abroad para magkasama-sama na po kami rito.  Kasi kami lang po ng kuya kong nasa Japan ang sumusuporta sa family namin,” kuwento naman ni Eumee Capili.

Kuwento naman ni Pauline Agupitan,”’Yun pong bahay at lupa po, roon po kami titira kasi wala kaming sariling bahay, at saka pangtulong ko rin kina mama at papa para sa pampaaral ng mga kapatid ko.”

Ang dating OFW din na si Maricel Callo, “if ever ako na palaring manalo, lahat po rito, ako lang po ‘yung may sariling family, may tatlong anak. So if ever po, it’s a dream come true po kasi wala pa kaming bahay. Sa pera naman po, magtatayo po kami ng business, music studio po kasi sa amin po sa Pagadian City walang music studio.”

Si Marielle Montellano naman, “ise-share ko po sa family ko, iyon naman ang reward kong gagawin. After po ng TNT, plano kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko at ‘yung ibang money na mapapanalunan ko, gagawa po ako ng outreach programs, para maibalik din ‘yung ‘pag-inspire sa akin ng mga bata po.”

At si Gidget de Llana, “same rin po sa mga sinabi nila, kasi kami po wala kaming sariling bahay, sa lolo ko po ‘yung bahay at nakikitira kami na sira-sira na rin po kaya plano kong ipagawa, at saka kailangan ko pong magbayad ng mga utang na matagal na rin po na ‘pag naiisip ko, naiiyak na lang po ako. Tapos magtatayo po ng business para mapaikot po ‘yung pera.

Ang TNT grand finals ay gaganapin sa Resorts World ngayong Sabado, Marso 11.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *