Saturday , November 16 2024

Kadamay members na lumusob sa NHA housing pupulungin

NAKATAKDANG makipagpulong ang mga opisyal ng National Housing Authority (NHA), at lokal na pamahalaan ng Bulacan, sa mga pamilyang ilegal na umokopa sa ilang pabahay sa bayan ng Pandi, at San Jose Del Monte.

Daan-daang pamilya na miyembro ng grupong Kadamay, ang pumasok at naglagay ng barikada sa mga relocation site sa Padre Pio at Villa Elise nitong Miyerkoles, upang hilingin sa gobyerno ang mga pabahay, na anila’y dapat sa kanila mapunta.

“We respect their right to housing, but we should equally respect the rights ng mga kababayan na nakahanda nang lumipat… Parang nawalan din sila ng karapatan doon sa mga nakalaan naman sa kanila,” sabi ni Elsie Trinidad, tagapagsalita ng NHA.

Ayon kay Trinidad, kailangan maunawan ng mga nagprotesta na bagama’t bakante ang ibang unit, hindi nangangahulugan na walang may-ari nito.

Ayon kay Trinidad, nakalaan ang 1,660 pabahay para sa pamilya ng mga sundalo at pulis, na hindi pa makalipat dahil nakadestino sa ibang lugar.

Halos 2,000 pamilyang nakatira sa mga estero ang nakatakdang lumipat sa ibang NHA unit sa Bulacan, habang mayroon pang 49,000 na “walk-in” na pamilya ang naghihintay mabigyan ng libreng bahay.

“We can only produce housing para sa mga priority na kailangan ilikas… That doesn’t mean to say na hindi sila (mga nagproprotesta) bibigyan ng bahay,” sabi ni Trinidad.

Giit ng mga nagprotesta, mayroon silang pulang tiket na nagsisilbing patunay na mayroon silang karapatan na manirahan sa mga unit ng NHA.

Ayon sa NHA, hindi opisyal na dokumento ang tiket, at maaari pang kasuhan ng trespassing ang mga pumasok na pamilya.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *