Monday , December 23 2024
shabu drugs dead

9 patay sa Oplan Double Barrel Reloaded sa Bulacan

SA pagbabalik ng operasyon ng pulisya kontra sa ilegal na droga, siyam katao ang napatay sa magkakahiwalay na lugar sa Bulacan.

Ayon sa ulat, napatay ang mga suspek dahil lumaban sila sa mga awtoridad, una rito si Norlito Zena, construction worker, residente sa Brgy. Panasahan, Malolos.

Nabatid na isisilbi sana ng mga awtoridad ang search warrant kay Zena, ngunit nag-amok at pinaputukan ang mga pulis kaya siya nabaril.

Sinasabing kilalang drug personality sa barangay si Zena, at sumuko noon sa Oplan Tokhang ngunit giit ng mga kaanak, hindi siya lumaban.

Sa kabuuan, apat ang napatay sa operasyon ng mga pulis sa Malolos City, habang isa ang na-patay  sa Mabolo Diversion Road, at isa sa McArthur highway.

May kabuuan 17 magkakasabay na anti drug operations ang isinagawa ng pulisya sa buong Bulacan, sa nakalipas na magdamag, nagresulta sa pagkakapatay sa siyam katao dahil sa sinasabing enkuwentro sa Malolos (4), Norzagaray (2), Bocaue (1), Meycauayan (1) at San Miguel (1).

Habang umabot sa 15 katao ang naaresto, 13 armas ang narekober, at kabuuang 54 sachet ng shabu ang nakompiska.

Ayon sa pulisya, hindi sila tumigil sa pagsu-subaybay sa mga drug personality sa lalawigan, na muling namayagpag nang itigil ang Oplan Tokhang, at anti-illegal drug operations.

Nanindigan ang liderato ng pulisya ng Bulacan, handa silang panindigan ang bersiyon na lumaban ang mga napapatay na drug personalities, sa harap ng mga alegasyon ng extra judicial killings.

Ayon kay Sr. Supt Romeo Caramat, provincial director, Bulacan-PPO, mula nang isagawa nila ang kampanya kontra sa ilegal na droga sa lalawigan, umabot na sa 296 katao ang napatay ng mga pulis sa enkwentro.

Sa kabila nito, wala pa siyang natatanggap na inihaing reklamo laban sa kanyang mga tauhan.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *