Tuesday , December 24 2024

BoC DepComm Nepomuceno at Dir. Estrella laban sa droga

MATINDI ang suporta ng Bureau of Customs sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Nitong nakaraang linggo ay pinirmahan ng Aduana ang kasunduan para mapigilan ang pagpasok ng ilegal na droga sa Filipinas. Kasama nila sa pirmahan ang PDEA at China na nagsasaad na umpisa ng interaksiyon at pakipagkompormiso ng ating bansa laban sa ilegal na droga.

Kasamang dumalo sa lagdaan sina Cutoms Enforcement Group Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno at CIIS Director Col. Neil Estralla at ang top priority nila ang pagtupad ng batas kontra droga.

Ayon kay Nepomuceno, “We can establish a specific office or person to act as a liaison offi-cer with the Narcotics Commission of China.”

Ipinaliwanag rin ni CIIS Director Estrella na prayoridad nila ngayon na wakasan ang illegal drugs problem sa buong bansa.

Ang kasama sa bansang China na nakipagpulong ay ang Deputy Director for Operation Division ng Narcotics Control Commission.

Kaya naman puspusan ang kanilang pag-aaral kung paano palalakasin ang kanilang grupo para tuluyang mawala ang pagpasok ng illegal drugs sa bansa bukod sa pangongolekta ng buwis na isa pang prayoridad ng Aduana.

Full support sila sa mandato ni Pangulong Duterte  kontra droga.

Ang BOC Enforcement Group sa pangu-nguna ni Depcom Nepomuceno ang nanguna sa talaan na pinarangalan na may pinakamalaking huli ng droga sa buong bansa.

Hindi nga nagkamali si Pangulong Digong sa paglalagay kay Commissioner Faeldon sa Customs dahil mahuhusay ang kanyang Depcoms at Director.

Lahat ay kanilang ginagawa para lalo pang gumanda ang pangalan ng Aduana na alam natin ay malaki ang nabawas sa korupsiyon sa nasabing ahensiya.

Nagtutulung-tulong sila upang maiangat ang kanilang bandila at  sabay nilang pinagtutulu-ngan upang maabot ang collection target.

Mabuhay kayong lahat sa Customs!

***

Kamakailan, sunod-sunod ang raid ng Customs Intel sa warehouses ng mga pekeng sigarilyo at bilyon ang halaga ng kanilang mga nahuli.

Nalaman din nila sa kanilang raid na peke rin ang mga stamp na nakadikit sa sigarilyo.

Nalaman nila ito matapos gamitan ng taggant tester ang mga selyo ng sigarilyo.

Mahihirapan na talaga ang mga palusot ng mga smuggler dahil hindi sila sasantohin ni CIIS director Col. Neil Estrella.

***

Isa sa malaking asset ni Customs Depcomm Ariel Nepomuceno ang kanyang masipag na ESS Director na si Maj. Butch Tibayan.

Hindi matatawaran ang kanyang accomplishment at magandang pamamahala sa customs police.

Rose from the ranks at hasang-hasa laban sa mga ilegalista sa Customs.

Keep up the good work Sir Butch!

***

Naisumite na ng NBI ang pomal na ulat  ukol sa imbestigasyon nila sa Pasay concert na limang kabataan ang namatay dahil sa tinatawag na designer drug na kilala sa tawag na methylenedioxy methamphetamine o MDMA methylene homolog at methylenedixy cathinone.

Iyan ang nakita nilang resulta sa autopsy sa mga namatay.

Talagang maasahan ang NBI sa malalaking kaso sa pangunguna ni NBI Director Atty. Dante Gierran. Sanay sa malalalim na imbestigasyon ang kanyang mga tauhan.

Kaya kahit ano ang mangyari ay gagawin nila lahat upang mapanagot ang mga organizer sa nasabing konsiyerto.

***

Napakasipag ni Pangulong Duterte, lalo sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng ating bansa.

Siya ay lilipad papuntang Russia upang pag-usapan ang kasunduan, gobyerno sa gobyerno na may kinalaman sa military cooperation at economic partnership na inaasahang lalagdaan pagdating niya sa Russia.

Mabuhay ka Tatay Digong!

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *