Friday , November 15 2024

Barangay 8th Congress ng Pasay City idinaos sa Baguio

Dragon LadyTAGUMPAY na idinaos sa Baguio City ang 8th Barangay Congress ng Pasay City Chapter na dinaluhan ng may kabuuang bilang na 674 na kinabibilangan ng mga barangay captainat mga kagawad sa pamumuno ni Liga ng mga Barangay, President, Pasay City Chapter, Borbie S. Rivera na ginanap sa loob nang tatlong araw.

Isa sa mga naging tagapagsalita ay si Liga ng Barangay President Hon. Michael L. Lanawa ng Baguio City Chapter na nagbigay ng kanyang maiksi ngunit malaman na mensahe.

***

Naging tagapagsalita rin si Pasay City DILG-LGDO Rommel Cena, na ipinaliwanag ang criteria para makamit ng Lungsod ng Pasay ang SEAL of Good Local Governance for Barangay-DILG, na ang bawa’t barangay ay kinakailangang alam ang lahat patungkol sa Katarungang Pambarangay at iba pang batas na madalas ay nalalabag sa barangay, upang sa gayon hindi lamang sa tapat at tunay na serbisyo, maging sa batas ay kailangan na may alam ang bawa’t barangay.

***

Ayon kay Cena, regular niyang gagawin ang pakikipagpulong sa 201 Barangay sa lungsod ng Pasay, upang matiyak na matutuhan ang mga dapat at hindi dapat gawin alinsunod sa batas at direktiba ng DILG.

***

Dumalo rin sa nasabing event si Pasay City Mayor Antonino Calixto, at District 2 Councilor Joey Calixto-Isidro, bilang representante ni Congresswoman Emi Calixto Rubiano.

***

Sa opening remarks ng programa, sinabi ni LNB President Rivera, bilang Pangulo, kanyang ipagpapatuloy ang mga nagawa ng mga dating nanungkulan dahil naniniwala siya na ang matibay na buklod ng barangay ay tungo sa mas maunlad na siyudad ng Pasay.

***

Kapansin-pansin ang magiliw na pakikiharap ni Rivera sa mga kapitan at kagawad. Maraming nagsabing mga kapitan sa aking panayam na kakaiba bilang Pangulo ng LNB si Rivera, dahil sa lahat ng problema, madaling lapitan si Rivera, at nagbibigay ng atensiyon sa lahat ng kanilang pangangailangan. Sana nga ay makamit ng lungsod ng Pasay ang Seal of Good Governance for Barangay, kung ipagpapatuloy ni Rivera ang kanyang magandang mithiin, at kung makikiisa ang 201 barangays.

SMOKE-FREE SA BAGUIO CITY

Bawal ang paninigarilyo sa lungsod ng Baguio, may multang P1.5 ang mahuhuli. Maging sa pampublikong lugar ay mahigpit ang pagpapatupad ng Ordinansa ng Sangguniang Panlungsod, at sa loob ng mga hotel, ay tumataginting na P5,000 ang multa. Kaya marami ang mga adik sa yosi ang nadesmaya. Kanya-kanyang hanap ng lugar na hindi sila mahuhuli ng nagpapatrolyang mga kagawad ng PNP. Sa loob ng hotel ay may lugar para sa mga nagnanais na manigarilyo.

***

Pareho sa Davao City, mahigpit din ang pagbabawal sa paninigarilyo, ang nakatatawa, may maliliit na tindahan na nagtitinda ng sigarilyo. ‘Yung mga gustong manigarilyo ay pinapapasok nila sa likod ng kanilng tindahan at puwedeng magyosi basta magbayad ng P5 piso!Dagdag kita nga naman!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *