Thursday , October 3 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mahalaga ang respeto

SA lahat ng pagkaka-taon ay huwag sana natin kalilimutan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa ating kapwa tao.

Noong isang linggo lamang ay lumutang ang retiradong pulis ng Davao City na si SPO3 Arthur Lascañas sa Senado para magbitiw ng mga hindi kanais-nais na pahayag laban sa Pangulo.

Kung noong Oktubre ay nagpahayag siya sa Senado na hindi totoo ang Davao Death Squad (DDS), ngayon ay taliwas na ang sinasabi ni Lascañas. Kabilang daw siya sa DDS at idina-wit pa si President Duterte na nag-utos umano kung sino ang kanilang magiging target at papaslangin.

Kasunod ng pagsisiwalat ng dating pulis ay nagpahayag si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na napag-alaman daw niya na may ilang mamamahayag ang nabigyan ng $1,000 para mag-cover ng press conference ni Lascañas.

Dahil lubhang nakaiinsulto ay tahasang itinanggi ng mga mamamahayag na nakatalaga sa Senado ang sinabing ito ni Andanar. Kinondena nila ang naturang opisyal ng Malacañang sa pagbibitiw ng pahayag na iresponsable at wala umanong pinagbabatayan.

Sa katunayan ay hinamon pa nila ang kalihim ng Gabinete na patunayan ang kanyang sinabi. Kung hindi ito magagawa ni Andanar, ang nais ng mga mamamahayag ay humingi siya ng paumanhin sa kanyang sinabi.

Batid ng Firing Line na dahil bahagi siya ng Gabinete, tumutupad lang si Andanar sa kanyang tungkulin na ipagtanggol si Duterte bilang isa sa mga galamay ng Pangulo.

Pero ang pagbibitiw ng pahayag na makasasakit  ng  damdamin  at  nakaiinsulto  sa kapwa ay hindi karapat-dapat, kung wala nga itong basehan.

Ang puna ng iba ay maaaring nakalimutan na ni Andanar na bagaman isang opisyal na siya ng Malacañang, ay dati rin siyang naging mamamahayag at bahagi ng media.

Nauunawaan ng mga reponsableng media organization ang sentimiyento ng mga nagko-cover sa Senado. Batid nila ang mahigpit na pagsunod sa “journalist code of ethics” na ginagawa ng mga tunay na mamamahayag.

Kaya marami ang nakikiisa sa pagkondena ng Senate reporters sa pahayag ni Andanar at tinawag siyang “iresponsable.”

Sa kahit ano pang antas ng buhay mayroon tayo, mayaman o mahirap, opisyal ng bansa o tao na walang trabaho, ay napakahalaga na magkaroon ng respeto sa pagitan ng bawat isa.

Dapat pag-ingatan natin ang pagbibitiw ng mga negatibong salita sa ating kapwa dahil dumating man ang pagkakataon na bawiin natin ito, ay hindi mababago ang katotohanan na ito ay nasabi na at nasaktan na ang kalooban ng ibang tao.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *