Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maghanda sa big one

NAKAGUGULAT at nakakikilabot ang sinabi ng Phivolcs na humanda tayo sa tinatawag na big one.

Nakita n’yo naman sunod-sunod ang lindol ngayon.

Sa Surigao at sa Davao, kaya ang mabuting gawin natin ay magdasal at huwag munang mamomolitika dahil hindi natin alam ang mangyayari sa nature natin.

Sana’y huwag tumuloy ang pinangangambahan nating malakas na pagyanig. Our government is also preparing for this tragedy dahil marami raw ang masasawi na aabot sa 30,000 o higit pa. ‘Wag naman po sana, Lord.

***

Nakagugulat naman ang testimonya ni Col. Dumlao sa nakaraang Senate hearing sa kidnap/murder ng isang Koreano.

Parang hearsay at pilit na idinadawit ang ilang matataas na opisyal ng NBI na sina deputy director Atty. Jojo Yap, NCR Director Ric Diaz at Atty. Bolivar ng anti-illegal drugs.

Marami akong nakausap na mga nakakikila sa kanila sa loob at labas ng NBI at sinasabi nila na napakaganda ng records ng mga idinadawit na opisyal.

Sabi ni NBI Deputy Director Yap, :Jimmy sisirain ko ba pangalan ko na iningatan ko nang ilang taon sa career ko sa NBI? Drugs pa papatulan ko?! At alam ko naman na maraming masisira na pamilya ‘yan. Kung gagawin ko ito ‘e noong agent pa lang sana ako.”

Totoo nga naman. Malinis ang track record ni Yap sa NBI.

Ganoon din si Atty. Bolivar at Atty. Diaz na wala rin naging alingasngas sa  kanila sa bureau.

Kung kailan pa sila malapit mag-retire at saka pilit silang idinadawit sa kasong ito?!

Anyway, naniniwala tayo na “the truth shall set them free.”

***

Naihain na ang warrant of arrest kay Senator Leila de Lima at kasalukuyang nakapiit sa PNP custodial center Camp Crame. Bahala na ang korte riyan. Kung mapatunayan na talagang involved siya sa illegal drugs dapat makulong siya.

No one is above the law!

***

Dapat nang hulihin ang alyas Jay-r Toletoletino na hari ng smuggling de palundag sa Port of Manila.

Kapakner ang isang alyas Frank Wong na eksperto sa smuggling galing China.

Bantayan din ang importsayon ng isang TONGDA freight forwarder na nagpapalusot umano ng electronics.

***

Congratulations kay Customs EG Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno sa hindi matatawarang accomplishments ng Enforcement group.

Congrats din kay Maj. Jaybee Cometa bilang bagong BOC X-ray project Head.

Hindi rin kayang tawaran ang kanyang naging accomplishments sa kanyang last assignment sa Port of Subic.

Keep up the good work, Sirs!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …