Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Written In Our Stars, shelved na

TULUYAN nang na-shelve ang seryeng Written In Our Stars nina Piolo Pascual, Sam Milby, Jolina Magdangal, Marco Masa, at Toni Gonzaga mula sa Dreamscape Entertainment.

Noong 2015 pa ito nakakasa at planong iere noong 2016 pero nahinto ang taping ng buong cast dahil nabuntis si Toni na inanunsiyo niya noong Abril 2016.

Marami ang nanghinayang dahil ang ganda pa naman ng concept bukod pa sa nakapag-shoot na sila para sa dalawang linggong episodes at maging ang advertisers ay gandang-ganda sa Written In Our Stars na ipinapanood sa kanila ang trailer sa trade launch noong 2015.

Nangako naman si Toni na balik-trabaho na siya ng Disyembre 2016 kaya magagawa na niya ang Written In Our Stars kaya naman natuwa na ang ibang cast dahil finally balik-taping na sila.

Maging si Piolo ay masayang nag-post din ng litrato nila ni Toni na magkasama sa sasakyan noong Enero 12, 2017 at may caption na gusto pa rin nilang ituloy ang Written In Our Stars dahil maganda ang kuwento.

May nagsulat ding ngayong 2017 na ito mapapanood kapalit ng seryeng magtatapos ng 3rd quarter ng taon.

Kahapon habang nagtitipa kami ay nalaman naming shelved na nga ang project dahil sa pelikula na magkakasama sina PJ at Toni mula sa direksiyon ni Binibining Joyce Bernal produced ng Star Cinema.

Base sa panayam kay direk Joyce ng ABS-CBN sa ginanap na storycon ng pelikula noong Pebrero 23, “dalawang taong magwawasakan. Magkikita sila sa unlikely hour ng isang araw and then,” biting sabi ng direktor.

Ayon kay PJ, “bsically, kung hindi dumating yung isa’t isa sa buhay ng isa’t isa, maraming puwedeng mangyari.

“So by chance, something happened for a reason. They’re on the verge of giving up on life tapos na-meet nila yung isa’t isa, ‘yun ang naging reason nila to live again. Each other gave them a reason to live.”

Sabi rin ni Toni, “sobrang hopeful niyong movie. It gives us hope na in life, there are circumstances na hindi natin maabot but we keep on fighting for it.

“Actually, ‘yung sinasabi namin ngayon nila Direk Joyce, napaka-vague pa niya kasi ‘pag sinabi na namin ‘yung buong story, baka hindi na nila panoorin. Basta exciting.”

Wala namang maisagot si Mrs. Paul Soriano sa tanong kung ang pelikulang pagsasamahan nila ni Piolo ang kapalit ng Written In Our Stars.

“Hindi ko masagot. Hindi ko masasagot pa. But for now, we will work on this,” sambit pa ni Toni.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …