Saturday , November 16 2024
train rail riles

Railway system malapit nang umarangkada (Mag-uugnay sa Bulacan at Tutuban)

INILATAG na ng Japan International Coordinating Agency (JICA), ang detalye kaugnay sa 38-kilometer railway project, na mag-uugnay sa Malolos, Bulacan at Tutuban.

Ang nasabing proyekto ay popondohan ng JICA, sa pamamagitan ng loan ng pamahalaan na aabot sa $1.99 bilyon, nauna nang pinagtibay noon pang 2015.

Base sa North-South Commuter Railway (NSCR) project, magkakaroon ng 13 units na may tig-walong coaches, ang bawat tren na bibiyahe.

Tatagal ng 36-minuto ang tagal ng biyahe mula sa Tutuban hanggang sa Malolos City, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Inaasahang aabot sa 220,000 pasahero araw-araw ang mabibigyan ng serbisyo ng nasabing elevated train system.

Ang mga himpilan nito ay matatagpuan sa Tutuban at Solis sa Maynila; Caloocan; Valenzuela; Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guinginto at Malolos sa Bulacan at tatahakin ng nasabing train system ang dating ruta ng Philippine National Railway (PNR).

Sisimulan ang konstruksiyon ng proyekto sa 2019, at inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng 2022.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *