Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Albie ayaw nang makatrabaho si Andi, kahit mawalan pa ng project

MAS gugustuhin pa raw ni Albie Casino na wala siyang trabaho kaysa makasama ang dating karelasyong si Andi Eigenmann.

Base sa pahayag ni Albie pagkatapos ng Q and A sa presscon ng Pwera Usog noong Martes ng gabi sa Valencia Events Place, inamin niyang ayaw na talaga niyang makasama pa si Andi dahil hindi rin naman daw siya mapapakali kung magsama sila sa set.

Bagamat nakapag-move on na si Albie, hindi pa rin niya nalilimutan ang ginawa sa kanya ni Andi dahil nawalan siya ng mga project noon.

Aniya, ”na-derail siya ng kaunti, nag-hiatus ako for a while. I lost a lot of work. Maraming naka-line-up sa akin noon, eh. Tapos natanggal lahat, naudlot lahat.”

Oo nga naman, bukod sa projects na nawala sa aktor ay nagalit pa sa kanya ang lahat noong hindi niya akuin na siya ang ama ni Ellie.

Pilit pinaaamin noon si Albie ni Andi na siya ang ama ng anak pero nanindigan ang binatang hindi siya ang ama at lumabas din ang totoo na hindi nga talaga dahil lumabas sa DNA test na ang ex-boyfriend din ng aktres na si Jake Ejercito ang tunay na ama ni Ellie.

Sabi ng iba kapag galit pa rin ay nasasaktan pa rin, ”matagal na akong walang galit kasi, anong gagawin ko ‘di ba? Magagalit lang ako, hindi naman siya o-okey kung galit ako, ‘di ba? Ako lang din ‘yung masisira ‘pag galit na galit ako,” katwiran ng isa sa lead actor ng Pwera Usog.

Natanong din si Albie kung nagkita na sila ni Jake,”I couldn’t care less about that guy. I don’t have to do anything with him. Anong point? Anong sasabihin ko sa kanya, wala naman akong sasabihin sa kanya, eh,” sabi pa.

Oo nga, ganito rin naman ang sabi ni Jake ng huli naming makausap na wala rin naman silang dapat pag-usapan kaya walang dahilan para magkita o mag-usap. If ever na magkita sila sa isang lugar o event, ang sabi ni Albie ay deadma at ito rin ang sabi ng ama ni Ellie.

Buti pa ang dalawang guys mutual ang feeling nilang deadma sila pareho.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …