Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palengke, animo’y mall show ‘pag may taping sina Ligaya, Dang at Paquito

MALAKAS talaga ang programang FPJ’s Ang Probinsyano dahil ilang araw palang napapanood sina Ligaya, Dang, at Paquito na bagong karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano at kaibigan nina MakMak at Onyok sa probinsIya ay sikat na kaagad sila, huh?

Yes Ateng Maricris, kuwento mismo sa amin ng nakapanood ng taping ng AP sa isang palengke, ayaw niyang ipabanggit ang lugar dahil baka  lalong dagsain ng tao.

“Parang mall show sa palengke ang dating, grabe karaming tao, hindi kami makapag-taping ng diretso, putol-putol kasi kasasaway sa tao,” kuwento ng isa sa nakakita mismo.

Hindi na namin babanggitin kung saang palengke ang taping dahil baka mas lalong dumami pa ang pumunta. Hindi naman ito ipinagdadamot kaso hindi makapag-taping ng diretso.

Wagi na naman sa mga bata ang programa ni Coco Martin dahil naka-diskubre na naman siya ng mga bagets na may talento sa pag-arte at puwedeng sumunod din sa yapak nina Makmak at Onyok.

Kaya naman inaabangan talaga ng mga bata ang FPJ’s Ang Probinsyano, eh, dahil hoping din sila na baka maligaw din sa lugar nila si Coco at mapansin din sila at take note kapag puro bata ang eksena sa serye ay G o General Patronage ang rating na inilalagay at kapag ‘yung mga kontrabida na ang umeereng eksena na may barilan at naroon si Sam Pinto alyas Sexy ay biglang magpapalit ng PG o Parental Guidance o kaya SPG o Strong Parental Guidance.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …