Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga lumang artista, binuhay ni Coco

PALIBHASA hindi namin napapanood gabi-gabi ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya hindi namin alam na pawang datihang artista na ang ka-eksena ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Ang kasama namin sa bahay ang avid viewer ng aksiyon-serye ni Coco kaya tinanong namin kung ano na ang nangyayari sa programa at natawa kami sa sagot sa amin.

“Hayun, puro lumang artista na ang mga nasa ‘Probinsyano’, nabuhay na sila,”kaswal na sagot sa amin.

Oo, sinadya iyon ni Coco na pawang datihang artista ang isama sa Ang Probinsyano para mabigyan sila ng exposure at mapansin ng ibang producers na puwede pa silang tumanggap ng proejcts.

Halos lahat naman ng datihang artistang isinama ngayon ni Coco sa AP ay pawang magagaling pa ring umarte maski na hindi na sila gaanong aktibo katulad nina Ronnie Lazaro, Jeric Raval, Michael De Mesa, Jake Roxas, Sonny Parsons at iba pa.

Isipin mo, Ateng Maricris, ibig sabihin hindi sila nangalawang sa pag-arte kahit na nawawala na sila sa industriya. Iisa lang ang ibig sabihin, ang tunay na magaling na artista kahit na ilang taon pang nahinto sa pag-arte, sadyang lumalabas pa rin ang galing.

Lalo na kung nahawakan sila ng magagaling na direktor ngayon tiyak na hindi sila mahihirapan, perfect example na nga si Sam Pinto na hindi naman gaano marunong umarte ay maski paano mayroon na ngayon sa Ang Probinsyano bilang si Sexy na may gusto kay Baby Boy na bagong bansag kay Coco, ha, ha, ha.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …