Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
logo_study_yellowstar

Blue Eaglets humirit ng do-or-die

MAYROON pang bukas para sa Ateneo Blue Eaglets.

Ito ay matapos nilang pupugin ang Far Eastern University Baby Tamaraws, 75-56 na may twice-to-beat advantage sa kanilang duwelo sa UAAP Juniors Basketball Final Four sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City kahapon.

Dahil sa panalo, nakahirit ang Blue Eaglets ng rubber match na nakataya ang isang silya sa UAAP Jrs Finals.

Matatandaang umeskapo ang FEU sa Ateneo, 64-62 para sa playoff sa number 2 na nagbigay sa kanila ng insentibong twice-to-beat sa ginaganap na semi-finals.

Dumagit ang anak ni PBA legend Danny Ildefonso na si Dave ng 19 puntos sa dominanteng panalo ng ikatlong ranggong Ateneo.

Nagtulong sina top MVP contender SJ Belangel, kamador na si Jason Credo, at gentle giant na si Kai Sotto ng 14, 13 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Katipunan-based squad. Samantala, tanging si LJ Gonzales lamang ang nanuwag sa kanyang 13 puntos para sa Baby Tams na tatangkaing ipagpag ang Ateneo sa Biyernes para sa tiket sa Finals. (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …