Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Good job BoC!

PINAPURIHAN ni Pangulong Rody Duterte ang Bureau of Customs dahil nakamit nila ang kanilang collection revenue target. Talagang napakasaya at maganda ang regalo ng Customs sa sambayanan at ‘di na sila maituturing na graft ridden agency. Kudos sa lahat ng BoC rank & fole employees sa pamumuno ni Commissioner Nick Faeldon.

Humanga ang pangulo dahil nakita niya ang hirap at pagod ng taga-customs na nagtulong-tulong para makamit ang collection target.

Hinikayat din ng Pangulong Duterte na mamuhay nang simple.

Palakasin lalo ang anti-drug campaign ng BoC.

Maraming natuwa na customs rank-and-file employees dahil akala nila punching bag na naman ang customs dahil ‘pag may dumadalong presidente sa BoC anniversary katakot-takot naman talaga ang sermon.

Mabuhay ang BoC!

***

Pagkaalis ng Pangulong Digong, inatasan agad ni BoC DepCom Enforcement Ariel Nepomuceno si ESS director Isabelo Tibayan at ang mga customs police na pag-ibayuhin pa lalo ang kampanya laban sa droga.

***

Maganda at matagumpay ang anti-smuggling ng CIIS sa pamumuno ni CIIS director Col. Neil Estrella.

Magaling na spokesman ng customs. He knows how to deal with media men covering the BoC.

Malumanay kausap at walang pagbabanta. ‘Yan si Director Estrella, dugong Pangasinense na trabahong tapat lang sa bureau.

***

Sana’y ‘wag nang magyabang ang ilang taga-BoC na namedropper at walang sinabi kundi malakas sila. Saan sila malakas? Sa kuwarta ba?

***

Commissioner Nick Faeldon  keep up the good work, sir!

It’s your task, sabi ni Pangulong Duterte sa kanya.

Papurihan natin ang mga taga-POM, MICP at NAIA at lahat ng puerto na nakamit ang kanilang collection target.

Lalo na ang MICP sa pamumuno ni district collector Atty. Jet Maronilla, NAIA sa pamumuno ni district Collector Ed Macabeo at POM district collector Atty. Rhea Gregorio.

Binabati rin natin sina ESS director Col. Butch Tibayan, Coll. Oca Villalba, Lensie Pobre.

Mabuhay ang BoC! God bless us all!

Keep up the good work guys!

***

Dapat ‘yung contractual na appraiser at examiner ay tanggalin ni Comm. Faeldon, lalo na ‘yung alias Michael na sobrang yabang. Walang ginawa kundi maningil daw sa kubeta at lahat ng sulok sa BoC.

Sipain na bago pa makasira sa BoC!

***

Papurihan din natin ang mga taga-PIAD na nag-prepare at naghanda sa preparasyon ng anibersaryo ng BoC.

Mabuhay kayo sa pamumuno ng hepe ninyo!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …