MATAPOS suspendihin ni PNP chief Director General Ronaldo “Bato” dela Rosa ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang, muli na namang nabuhay sa mga komunidad ang mga pasaway na adik at pusher.
Kasabay nang pagdiriwang ng mga adik at pusher, siyempre pa, maligaya rin ngayon ang mga drug lord dahil tuloy na naman ang kanilang negosyo sa droga o ang kalakalan lalo sa depressed areas at ilang subdivision.
Sa loob lang ng ilang buwan, tiyak na booming nang muli ang drug trade sa Metro Manila at asahan din na muling tataas ang bilang ng mga adik. Muli rin darami ang makikitang indibidwal na pagala-gala na pawang namumulagat ang mga mata at ang mga panga ay hindi matigil sa kagagalaw.
Asahan rin sa pagsuspendi sa Oplan Tokhang, ang bilang ang krimen ay tiyak na tataas tulad ng rape, snatching, akyat-bahay, salisi, rumble at patayan. Kaakibat lagi nang paglaganap ng droga, ay paglaganap din ng krimen.
Malaking pagkakamali ang ginawa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na itigil ang Oplan Tokhang. Hindi sila dapat nagpadalos-dalos sa desisyon kahit pa nangyari ang pagkidnap at pagpatay sa Korea-nong si Jee Ick-Joo.
Binigyan lamang ni Digong ng rason ang kanyang mga kalaban sa politika na patunayang mali ang Oplan Tokhang nang bawiin niya ang pagpapatupad nito. Mukhang hindi alam ni Digong, kabilang na si Bato, na hanggang ngayon halos lahat ng mga nasa komunidad ay suportado ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang.
Peste at salot na maituturing ang mga adik at pushers sa kani-kanilang lugar sa Metro Manila. Ang mga tumututol lamang sa Oplan Tokhang ay mga pamilyang nakikinabang sa ipinagbabawal na gamot o shabu.
Ang takot at pangamba ay muling nabuhay sa mga komunidad. Alam nila na ang pagbabalik ng mga adik at pusher sa kani-kanilang lugar ay simula na naman ng kanilang kalbaryo. Alertado ang bawat pamilya at parang nag-aabang lagi ng mga aatakeng tulisan sa kani-kanilang pamamahay.
Hindi pa huli ang lahat. Maaari pa ring ibalik ang Oplan Tokhang para muling manumbalik ang kapanatagan sa puso ng bawat pa-milyang naninirahan sa mahihirap na komunidad. Dapat puksain ang mga adik at pusher at tulu-yang lipulin sa ating gobyerno.
Hihintayin pa ba nating mapatay o magahasa ang ating mga anak?
SIPAT – Mat Vicencio