Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

10 Things We Fight About book nina Richard at Maricar, ilalabas na

SA ikaapat na wedding anniversary (June 8) nina Richard Poon at Maricar Reyes-Poon ilalabas ang librong isinulat nilang may titulong 10 Things We Fight About mula sa ABS-CBN Publishing.

Maraming nagka-interes sa blog nina Richard at Maricar na may titulong Relationship Matters PH na nakalagay lahat ang tungkol sa kanila simula noong ikasal sila four years ago.

Tulad ng ordinaryong mag-asawa ay marami ring ups and downs sina Richard at Maricar kaya sa pamamagitan ng Facebook account nilang RelationshipMattersph ay nakalagay lahat ang mga pinagdaraanan nila.

Ang ilan sa nasulat ay Leave and Cleave 1: Why living BESIDE your Parents is bad for you Wife. Leave and Cleave 2: I wanted to leave Richard and go back home. Leave and Cleave 3: Sometimes the biggest block to leave is the Parents.

Ipinost din ng mag-asawa ang mga travel nila sa ibang bansa.

May mga nagpayong gawing libro ang blogs nina Richard at Maricar kaya’t ipinitch ito ng manager nilang si Erickson Raymundo sa ABS-CBN Publishing at kaagad naman itong nagustuhan.

Samantala, on-going naman ang promo tour nina Richard at Richard Yap para sa latest album nilang RichardxRichard Chinito Crooners mula sa Star Music na patok sa kanilang fans na pumunta sa Robinson’s Magnolia noong Pebrero 4.

Ang mga awitin na nakapaloob sa album ay repertoire sa nakaraang concert nila noong isang taon sa PICC.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …