Friday , November 15 2024

Huwag pag-untugin ang PNP at NBI

SA nangyaring pagpatay at pagkidnap sa isang Korean businessman, nakita natin kung gaano kasigasig si President Digong na malutas ang kaso.

Tanong nga ni NBI Director Gierran, is this a destabilization plot? Kasi mukhang pinalala ng mga kritiko ni Presidente Digong ang situwas-yon kaysa tumulong na lang para sa bayan.

Puro sawsaw nang sawsaw na mali naman ang mga sinasabi.

Don’t blame PNP Chief Gen. Bato at NBI Director Atty. Gierran sa kasong ito.

Hindi sila magkaaway at nag-uusap naman sila nang maayos.

May ilang taga-media na pilit pinagsasa-bong ang dalawang enforcement agency.

Ang daming bumabatikos ngayon kay Gen. Bato pero ‘di niya pinapansin dahil ang utos ni Presidente ay managot ang dapat managot.

Ganoon din sa NBI, lahat ng pangalan ng NBI official/agent na nadawit ay kaagad ini-relieve ni Dir. Gierran for pending investigation.

‘Di ninyo masisi si Presidente kung magbitaw ng maanghang na salita sa PNP at NBI. Ito’y isang wake-up call para malinis sa scalawags ang organization nila.

‘Yung iba, tila gusto pang magsabong ang PNP at NBI para  sa kanilang interes.

Meron rin gustong kunin ang puwesto ni Bato at Gierran para maisulong nila ang kanilang ilegal na aktibidad.

Pero sorry na lang dahil malaki pa rin ang tiwala ni Pres. Digong sa dalawang opisyal.

Hangad natin na matapos at malutas na ang kasong ito. Alam ko rin na pursigido na malinis nina PNP Director General Bato at NBI Director Atty. Dante Gierran ang kanilang hanay.

Kay Director Gierran at Gen. Bato, don’t mind your critics just work hard for our country!

Mabuhay kayo!

***

Sana naman magkaroon ng konting konsi-derasyon ang ICTSI na ibalik sa dating daanan ang mga taong pumapasok sa Customs X-ray satellite office sa MICP.

Marami kasi ang natatakot sa bagong daanan papunta sa X-ray satellite office dahil nasa loob mismo ng yarda ng ICTSI at delikado kapag nasa shuttle sila nakasakay dahil sa malalaking truck na mabibilis magpatakbo ang driver lalo na kapag inaabot sila ng hatinggabi sa paglalabas ng mga kargamento.

At hindi lang ‘yan, pati malalaking equipment na bumubuhat sa mga container ay hindi mala-yong may aksidenteng mangyari.

Kaya naman, labis po ang pagtutol ng mga kawani ng Aduana sa ginawa ng ICTSI.

Dapat ay nagbigay sila ng pedestrian access sa dating gate.

Hihintayin pa ba nila na may masamang mangyari sa loob ng yarda?

‘Buwis-buhay’ po ito para sa mga kawani ng Aduana.

Kaya panawagan sa mga namumuno ng ICTSI na magbigay naman sana sila ng konting konsi-derasyon para sa kaligtasan ng mga personero at empleyado ng Aduana.

PAREHAS – Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *