Saturday , November 16 2024
rape

Misis ginahasa ng bayaw sa harap ng 2 anak

TINUTUGIS ng mga awtoridad ang isang lalaking gumahasa sa kanyang hipag, sa harap ng dalawang menor de edad ni-yang anak, sa Minalabac, Camarines Sur.

Ikinuwento sa mga pulis ni ‘Jessa,’ 5-anyos, anak ng biktima, ang panggagahasa ng kanyang tito sa kanyang inang si ‘Ma-ria.’

Ayon sa bata, hindi pa umuuwi ang kanyang ama nang pumasok ang kanyang tito, sa kanilang bahay noong gabi ng 17 Enero.

Pinagbantaan aniya siyang huwag magsusumbong kahit kanino, sabay pagpapakita ng dalang baril.

Tatlong beses aniyang ginahasa si Maria sa harap ng kanyang mga anak.

Inabutan ng padre depamilya na nakagapos ang kanyang asawa, ngunit imbes tulungan ay pinabayaan lang ang ginang.

Inutusan aniya ng mister ng biktima ang suspek na mag-igib ng tubig, bago hiningan ng tatlong stick ng sigarilyo.

Si Jessa na ang nagtanggal ng gapos sa ina, gamit ang itak.

Habang madalas nakatulala si Maria kapag kinakausap. Aniya, ramdam pa rin niya ang takot, ngunit pilit niyang pinalalakas ang loob para sa kanyang mga anak.

Duda ng pulisya, planado ang nangyaring krimen.

“Iyong asawa ni nanay, laging wala. Parang it will take an hour bago makabalik ng bahay kung pupunta sa bukid. Sinamantala siguro na wala ang asawa niya,” ani PO2 Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Minalabac police.

Dagdag ng pulisya, lumabas sa medico-legal examination, positibong ginahasa si Maria.

Sinampahan ng kasong rape ang hindi pa nahuhuling suspek.

Patuloy ring pinag-aaralan ng mga awtoridad kung may pananagutan sa batas ang asawa ng biktima, na hindi tinulungan ang kanyang misis.

Nasa pangangalaga na ng pulisya si Jessa, at bunso niyang kapatid.

Ngunit isa pang menor de edad na anak ni Maria, ang sinasabing kinuha ng isa pa niyang bayaw. Naghain na ng hiwalay na reklamo ang ginang ukol dito.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *