Friday , November 15 2024

Service provider sa QCPD police clearance, ‘kalokohan’ ba?

MASASABING isa palang ‘kalokohan’ (nga ba?) o ‘panloloko’ lang (ba?) sa mga kumukuha ng police clearance sa Quezon City, ang pagkuha ng service provider para tumulong sa pagproseso ng clearance.

Kung may private service provider daw kasi ay mabilis ang pagkuha ng police clearance.

Ipagpalagay natin totoo pero nararapat bang umarkila ng provider? Sino ba ang magdurusa sa bayarin kung may service provider? At sa tingin ba ninyo sa pagkuha ng provider ng isang government agency ay walang kumikitang opisyal ng pamahalaan?

Ops, hindi ko sinasabing may kumita sa kinuhang private service provider ng QCPD Police Clearance ng  mga nagdaang administrasyon ng pulisya. Hindi ko rin sinasabing may mga kumitang konsehal ng QC. Ha! Wala naman ‘di ba? Hahahaha

Ano pa man, malaki na ang ipinagbago sa pagkuha ng police clearance sa Quezon City. Oo, simula nang sibakin ni QCPD director, P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang kinuhang private service provider ng mga nagdaang administrasyon ng QCPD.

Baka ang tanong ninyo, baka naman bumalik sa dati ang pagkuha ng police clearance – iyon bang matagal o siyam-siyam ang proseso dahil sa wala na ang service provider.

Well, hindi po. Mabilis din at walang ipinagbago. May service provider man o wala, inaabot lang ng 10 to 12 minutes ang pagkuha. Malaki na rin ang natitipid ng mga kumukuha ng clearance ngayon. Kung dati ay P250  (P150 para sa clearance habang P150 para sa service provider), ngayon balik na sa dati ang presyo P100.00 na lang.

Oo iyong P150 na karagdagang bayad ng mga kumukuha ng clearance ay para sa service provider. Kita na ba ninyo ang kalokohan? Ang mga kumukuha ng clearance ang nagpapasuweldo sa mga tauhan ng service provider at hindi ang pamahalaan ng lungsod Quezon o ng pamunuan ng QCPD. Hindi rin pumapasok sa kaban ng QC gov’t ang P150.

Tayo o kayong mga kumukuha ng clearance ang bumubuhay sa service provider na hindi naman dapat arkilahin. Ewan ko nga kung may nangyaring bidding noong inarkila ang sinibak na service provider. Pero tulad ng nabanggit, hindi na pala kailangan ng service provider o kailan man ay dapat hindi na kumuha ng provider.

Hayun, kahit wala nang provider ang QCPD ay napanatili ang mabilis na pagkuha ng clearance dahil sa suporta Quezon City Government (QCG) partikular na si Mayor Herbert Bautista at sa tamang desisyon ni Eleazar na tapusin na ang pagkuha ng provider dahil batid niyang kaya ng QCPD ang ginagawa ng provider.

Personal tayong tumungo sa Police Clearance Office para magsagawa ng obserbasyon. Totoo nga, napanatili ng QCPD ang bilis ng pagkuha ng clearance kahit wala na’ng provider. Kung baga, mabilis na, mura pa. Kasi nga balik P100 na ang halaga. Hindi na P250 ha! Laking katipiran ito sa mga kumukuha. Pangkain na rin ang natipid na P150.

Ayon kay P/Chief Insp. Rodel Maritana, hepe ng QC Police Clearance, aabutin lamang ng 10-12 minuto ang pagkuha kahit na inalis ang service provider.

Sinabi ni Maritana napabilis ang sistema dahil sa ibinigay na ayuda ng pamahalaang lungsod para makabili ng mga makabagong kagamitan.

Anang opisyal, inisyatiba ni Eleazar ang lahat. Tinanggal ang service provider para mapanatili ang mababang bayarin ng mga kukuha ng clearance lalo ang mga naghahanap ng trabaho. Bukod dito, kahit walang provider nahabol ng QCPD ang bilis na dating ibinibigay ng service provider.

Meaning, malinaw na kailanman hindi kailangan ng provider – noon pa kung gugustuhin ng mga nagdaang admin ng QCPD.

Nagpapasalamat si Eleazar kay Mayor Bistek sa suportang ipinagkaloob niya hindi para sa QCPD kundi para sa mamamayan ng Kyusi na kumukuha ng police clearance. Tandaan ha, hindi na P250 ang police clearance ngayon kundi P100 na lang sa mga kumukuha para sa trabaho.

Mura na, mabilis pa.

Narito ang bayarin sa pagkuha ng police clearance; local employment P100; para sa change of name P150; correction of name P150; LTOP P250; at naturalization P550.

Oo nga pala, mga pulis na rin ang nagpoproseso sa police clearance – wala nang inarkilang civilian employees simula nang sibakin ang service. Meaning malaki ang natipid sa pasuweldo dahil mga pulis na rin mismo ang nasa loob.

So, malinaw na hindi na pala kailangan ng service provider. Ano ba talaga ang mayroon sa service provider na pumapasok sa mga ahensiya ng pamahalaan? Para mapabilis ang serbisyo sa mamamayan? Iyon ba ang tunay na dahilan o SOP (save our pocket)? Iyon lang naman kung may SOP. kayo naman o.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *