Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Puganteng Briton arestado sa Bulacan

KALABOSO ang isang puganteng British national makaraan maaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, kaugnay sa kinasasangkutang kaso.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si David Alan Sale, 69, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Silangan, Sta. Maria, ng nabanggit na lalawigan.

Ayon kay Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria Police, si Sale ay tinutugis sa mga kasong grave coercion at estafa, at may warrant of arrest na para sa suspek.

Napag-alaman, nang aarestohin ng mga awtoridad ang suspek, sinabi niyang wala siya sa ilalim ng hurisdiksi-yon ng korte ng Filipinas dahil siya ay sugo ni Queen Elizabeth ng England, at nagpakita ng ID ng UN bilang International  treasury controller.

Ayon pa sa ulat, tinangkang iwasiwas ni Sale ang kanyang 15-inches jungle knife sa arresting officers ngunit agad siyang dinakma.

Bunsod nito, nadagdagan ang kanyang kaso ng direct assault at resisting arrest.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …