Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

Madaliin ang Truth Commission sa SAF 44

KAILANGANG madiliin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pagbuo ng Truth Commission para malaman ang tunay na pangyayari, at matukoy rin kung sino ang dapat managot sa tinaguriang  Mamasapano massacre.

Hanggang ngayon, wala pa ring kasagutan sa pagkakapatay sa 44 miyembro ng Special Action Force matapos tambangan ng mga rebeldeng Muslim noong 25 Enero 2015 sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.

Lumipas ang dalawang taon, walang napaparusahan sa nasabing madugong insidente maliban sa mga kasong iniharap laban kina dating PNP Chief Alan Purisima at ex-SAF chief General Napeñas.

Kinasuhan din ang mahigit sa 90 indibidwal, kabilang ang 25 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at 12 mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Hanggang ngayon ay humihingi ng hustisya ang mga naulila ng SAF 44. Nais nilang managot si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagkakapatay sa SAF44, na hanggang ngayon kahit paumanhin man lamang ay hindi ginagawa ng dating pangulo.

Ang pagtatayo ng Truth Commission sa ilalim ng administrasyon ni Digong ang magbibigay-daan para tuluyang malaman ang katotohahan sa Mamasapano massacre at mapanagot ang responsable sa pagkakapaslang sa 44 miyembro ng SAF.

Kailangang maging independent ang Truth Commission. Ang bubuo nito ay kailangang may integridad, paninindigan, walang kinikilingan at hindi kayang diktahan, at ang tanging nanaisin ay lumabas ang katotohahan sa nangyaring masaker kahit sino pa ang madamay.

Hindi katanggap-tanggap na tanging sina Purisima at Napeñas lamang ang managot kung sinasabing mismong si dating pangulong Noynoy ang nagbigay ‘kumpas’ para mailunsad ang Oplan Exodus.

Kailangang sumalang sa imbestigasyon si Noynoy at harapin ang mga akusayon laban sa kanya. Bilang dating commander in chief, kailangang sagutin ni Noynoy ang sinasabing siya ang may pananagutan kaya napatay ang SAF 44.

Ang gagawing imbestigasyon ng Truth Commission ang tutuldok sa usapin ng Mamasapano massacre.

Kailangan ding bukas sa publiko kapag nagsimula na ang imbestigasyon ng komisyon. Full media coverage at hindi dapat magkaroon ng close door meeting tulad nang ginawa ng Senado noong magkaroon ng hearing sa Mamasapano massacre.

Magkakaroon lamang ng katahimikan ang mga naulila ng SAF 44 kung maisasakatuparan ang Truth Commission sa Mamasapano Massacre. Hindi na dapat patagalin pa ni Digong ang pagbuo nito at kailangang lumabas ang katotohanan kung sino ang dapat na managot sa trahedyang nangyari sa SAF 44.

Hindi magkakaroon ng katahimikan ang mga pinaslang na miyembro ng SAF kung hindi magkakaroon ng hustisya ang ginawang patraydor na pagpaslang sa kanila. Kailangang kumilos si Digong, ngayon na!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *