NAGA CITY- Nasagip ang 10 katao makaraan lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Caramoan, Camarines Sur, kamakalawa.
Napag-alaman, patungo sana sa Matucad Island ang MB Camline, sakay ang walong turista at dalawang crew nito upang mag-island hopping.
Nang makarating ang bangka sa bahagi ng Brgy. Paniman, hinampas ng malalakas na alon na ikinalubog nito.
Agad nagresponde ang mga tauhan ng PNP Caramoan at Philippine Coast Guard (PCG) at mabilis na sinagip ang nasa-bing mga turista.