Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ToMiho, ‘di nagpatalo sa paramihan ng halikan kina Jake at Angeline

SUPER daming fans pala ng ToMiho loveteam na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida dahil sa nakaraang premiere night ng Foolish Love ay hiyawan sila ng hiyawan kapag ipinakikita na sa malaking screen ang dalawa at mas lalong tumindi noong maghalikan pa.

Tadtad kasi ng kissing scene ang pelikulang Foolish Love sa pangunguna nina Jake Cuenca at Angeline Quinto, pero hindi rin naman nagpatalo ang ToMiho kasi nakarami rin sila, wala nga lang bed scene, pero may swimming pool scene na naka-two piece naman si Miho at in fairness, ang sexy niya, huh kaya siguro mas lalong na in-love sa kanya si Tommy na naka-short naman.

Nagpa-block screening din ang ToMiho fans.

Kuwento nga ng katotong Roldan Castro na sobrang generous ang fans nina Tommy at Miho dahil may mga negosyo na kaya all out sila sa pagsuporta sa dalawa, unlike sa ibang love teams na may mga estudyante pa kaya medyo tipid sila sa resources, pero may mga tulong naman silang natatanggap mula sa ibang fans club sa ibang bansa.

Going back to ToMiho, mukhang sa kasalan na rin mauuwi ang relasyon nila dahil open naman silang mahal nila ang isa’t isa. Makikita naman sa body language nila na gusto na nilang sila na ang magkatuluyan.

Parang mas in-love yata si Miho kasi binigyan niya ng regalo si Tommy dahil finally may pelikula na sila.

Katwiran ni Miho, “special day namin ito because, siyempre, first movie namin. So, parang gusto ko lang siyang bigyan ng kahit isang maliit na things na tatatak na first movie, gusto ko siyang bigyan ng something.

Reaksiyon naman ni Tommy, “sobrang nagulat ako. I’m like, ‘Ano ‘to?’ Usually, lagi ako ‘yung nagbibigay ng gift. Nagbibigay ng surprise!”

Anyway, palabas na ang Foolish Love mula sa Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …