SINIBAK na sa puwesto ang mga pulis na nakita sa video na ipinakita ni Sen. Panfilo Lacson, na nagtatanim ng ebidensiya.
Kinompirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, sa isang lugar sa Metro Manila nangyari ang nasa video na isang operasyon.
Nang makita ang video kamakalawa sa Senado, agad iniutos ni PNP chief, e Director General Ronald dela Rosa ang pagsibak sa puwesto sa nasabing mga pulis habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Pansamantalang nilagay sa personnel holding and accounting unit (PHAU) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang nabanggit na mga pulis.
Sinabi Lacson, noong Oktubre ng nakaraang taon nangyari ang nasa video, aniya’y P7 milyon halaga ng office equipments ang nawala at hiningan pa ng P2 milyon ang may-ari ng opisina.