CAUAYAN CITY, Isabela – Swak sa kulungan ang isang 39-anyos lalaki makaraan gahasain ang kanyang 8-anyos anak na babae sa Santa Fe, Nueva Vizcaya kamakalawa.
Sa pagsisiyasat ng Santa Fe Police Station, ang biktimang si Nene ay hinalay mismo ng kanyang ama sa bukid.
Makaraan ang panghahalay ay nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na mabilis na nagreklamo sa Santa Fe Police Station at nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 7610 in relation to child abuse law laban sa suspek.