Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, wagi sa pagpapaka-daring

HABANG pinanonood namin ang pelikulang Foolish Heart nina Angeline Quinto at Jake  Cuenca sa ginanap na premiere night noong Martes ng gabi ay inisip naming may mga adlib ang singer/actress dahil kabisado namin ang mga punch line.

Kaya sa cast party ng Foolish Love sa Amichi Restaurant noong Martes ay ito kaagad ang tanong namin kay Angeline,  ’nag-adlib ba siya?’

“May mga adlib naman ako ‘te Reggs na hindi ko sinunod sa script. Sabi ko kay direk (Joel) na sana payagan niya ako. Kasi kung hindi natural sa akin ‘yung nasa script, sana hayaan niya akong gumawa ng sarili ko. So, mayroon naman po.

“Halos marami naman po, alam mo ‘yung mga expression ng mga bakla, minsan po kasi hindi natural sa akin ‘yung ganoon, kumbaga nagsasalita ako ng mga nakatatawang salita, pero hindi ko ginagamit ‘yun,” paliwanag ng komedyana.

Ang isa sa adlib niya na tanging naalala niya sa rami ay, “’yung nasa ospital si ate Cai (Cortez), ‘yung sabi ko, ‘in fairness friend, ang dami ko ng utang sa ‘yo, apat (anak) na agad ‘yung utang ko sa ‘yo, bakit hindi mo pa kaya gawing lima (manganak ulit sa pang-lima)’ mga ganoon.”

At dahil kasama ni Angge ang Mama Bob niya sa premiere night ay inalam ko kung ano ang reaksiyon nito sa mga kissing at love scene nila ni Jake.

“Hindi ko matingnan ng diretso, kasi po noong nag-dubbing naman po ako, hindi naman ganoon kalaki ‘yung screen, iniisip ko talaga ‘yung Mama Bob ko, kasi before po kami magpunta rito, sabi ko sa kanya, ‘ma, trabaho lang ‘yun ha.’ Kasi  siyempre kailangan kong ipaliwanag sa kanya, first time ko po magkaroon ng eksenang ganoon (laplapan), na matagal makipaghalikan. Eh, nandiyan si mama Bob, so feeling ko naintindihan naman niya ‘yun,” natawang sagot ng dalaga.

Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay tinanong namin si Angeline kung ano ang sabi ng mama Bob niya pag-uwi nila?  ”Hindi raw po niya matingnan ng diretso, napahawak na lang daw siya sa bibig niya po. Tinanong niya kung wala raw bang daya ‘yun, totoong halikan daw ba ‘yun?  Hindi naman po nagalit.”

At sila naman ni Jake ay panay ang hampasan habang pinanonood ang mga eksena nila.

“Kami po ni Jake wala kaming ginawa kundi maghampasan sa upuan. Natatawa ako, nadadala ako sa mga sigaw ng mga tao habang nanonood, natutuwa naman ako kasi kinilig sila.”

Sobrang daring ni Angeline sa pelikula dahil talagang pumayag siya sa mga eksenang ginagawa lang ng mga matagal ng artista.

“Ganoon naman po ako sa personal na buhay (sabay pakita ng suot niyang halos luwa na ang dibdib), hindi pa ba? Wala naman pong masama kung susubukan ko ‘yung mga bagay na first time kong gagawin lalo na pagdating sa pag-arte kaysa naman po magpa-sweet ako, eh, hindi naman na ako 16 years old, ‘di ba?

“Alam ko naman na maiintindihan ng mga tao ‘yun kasi nasa tamang edad na ako. Hindi man nakikita ng mga taong mayroon akong lovelife talaga, siguro nasa tamang edad na ako para gawin ‘yung mga bagay na ‘yun,” pangangatwiran ng dalaga.

Eh, nakarami na raw si Jake kay Angeline pagdating sa mga halikan, “nakarami si Jake?  Nakarami naman kami pareho, ha, ha, ha, ha,” tumatawang sagot ng dalaga. Sabay sabi pa, ”yung mga eksena naman namin kahit na maraming ganoon, comedy pa rin naman ‘di ba?”

Ipapanood ba ni Angge kay Erik Santos ang Foolish Love?

“Hindi ko po alam, kasi hindi niya po alam na may mga ganitong eksena, hindi ko rin sinabi sa kanya. Kung sakaling mapanood niya o mabasa na niya, eh, nasa sa kanya na po ‘yun. Ako ay trabaho lang naman, sana walang magbago (relasyon nila ni Erik),” sagot nito.

Pinuri nina direk Joel Lamangan at Manny Valera ang acting niya dahil napaka-natural daw.

“Sabi ko naman po sa kanila, ultimate idol ko talaga sa pag-arte ay si Ms. Maricel Soriano, kaya noong nabigyan ako ng chance na makagawa (pelikula) sa Regal Films, hindi ba si Ms. Maricel lahat ng sumikat niyang pelikula noon ay under Regal Films din? Kaya sabi ko kung mabibigyan ulit ako ng chance, sana horror kasi mahilig din ako sa horror at idol ko naman po si Ms. Janice (de Belen) kasi siya ‘yung naabutan ko rati,” pahayag nito.

Palabas na ang Foolish Love kahapon handog ng Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Lamangan at kasama rin sina Tommy Esguerra, Miho Nishida, Vangie Labalan, at Cai Cortez.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …